Kabanata 49

11.9K 256 6
                                    

Maaga akong gumising kasi ngayon na magsisimula ang trabaho ko as teacher. Pagkagising ko nga, si Diego tulog na tulog pa rin.

I cooked for him before I left a post it note na na nasa trabaho na ako. Hindi na ako kinakabahan kahit first day ko dahil teacher naman ako sa Korea. Wala naman sigurong pinagkaiba sa mga estudyante roon at dito.

Ipinark ko ang kotse ko sa carpark ng school at pumasok na. Ngayon lang dumantay ang kaba sa 'kin na halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa 'kin habang naglalakad ako.

And because I am wearing a teacher's uniform, they greeted me. I greeted them back too. Dumiretso ako sa deans office which is ang office ni Sir Xeus.

"Good morning, Sir," pagbati ko rito.

Mukhang nagulat pa siya sa presensiya ko dahil napaigtad siya.

"A-Ah, good morning, Miss Craig. Have a seat."

Napaka pormal ni Sir. Lagi naman siyang pormal pero mas seryoso ngayon. Mas gwapo rin dahil pormal na pormal ang ayos.

"Today's your first day as a teacher in my school, Ms. Craig. I am expecting an excellent performance from you since you're from Korea. You worked there as a teacher for a year so I guess, you're very good at handling students, hm?"

Kinakabahan ako sa uri ng pagsasalita niya. Parang may laman at may kasamang tampo.

"I am good at handling students, Sir. I assure you that." Sa kaba ko ay 'yon lang ang nasabi ko.


Buti nakayanan ko ang ilang minuto na kasama ko si Sir sa office niya. Nakaka-intimidate siya. Nakakakaba kausap. Ang layo sa Sir Xeus na nakita ko sa mall. He asked me so many questions na para bang ngayon lang naga-apply. And based on his statements, he is expecting a lot from me.

Kinakabahan na tuloy ako lalo. Inihatid niya ako sa building kung saan ako magtuturo. Wala kaming usap-usap at diretso lang.

Grade-12 ang tuturuan ko. I'll be handling English. Nakakakaba dahil private ang paaralang 'to at baka mas magaling pa sa 'kin ang mga students ko.

Dumating na kami sa isang malaking classroom. Sa labas pa lang, makikita mo nang magulo talaga sila. Nagbabatuhan ng kung ano-ano.

This will be my advisory. A very messy advisory.

"Do your best in handling them, Ms. Craig." Umalis na siya. Hindi man lang ako ipinakilala.

Pakiramdam ko may galit talaga siya. Tumikhim ako at inayos ang posture ko. I need to have a intimidating look for them to respect me. Magulo kasi.

"Good morning, everyone!" bati ko habang papunta sa teachers table sa harap.

Agad silang tumigil sa pagbabatuhan at umayos ng upo. Well, that's more I like it.

"I said good morning," ani ko at inilagay ang bag ko sa table at hinarap sila.

"Good morning, teacher," sabay-sabay na bati nila.

Kung hindi ko pa sinabihan, hindi babati.

"Well, I am your new prof. and I'll also be handling your English subject. I am Miss Selena Craig." Ngumiti ako sa kanila.

Lahat sila umayos ng upo sa sinabi ko. Ang iba ay panay pa tikhim.

"May I know the reason why are you messy when I came here?"

"N-Nothing, Ma'am. Gano'n lang po talaga kami kapag walang klase."

"That's true, Ma'am. But we assure you, we can be your best students."

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon