Kabanata 12

15.8K 406 40
                                    


"What was that, Selena?" Diego shouted as soon as his secretary walked out because of what I said.

Tumayo siya at hinarap ako ng galit ang mga mata. Tinaasan ko siya ng kilay, hindi nagpapasindak.

"Why?" I asked him, staring at him with a dagger.

He seems problematic. Mukhang dahil sa nasabi ko, ang laki ng problemang kakaharapin niya. Like buong mundo ang inaway ko.

"I am asking why, Diego. Is defending myself as your wife, wrong?" pag-uulit ko sa tanong ko.

Hindi ko kasi makuha kung bakit galit na galit siya. Hindi siya nagsasalita pero base naman sa nakikita ko sa ekspresyon niya ay may gusto siyang sabihin at galit siya.

"Never mind, Selena. Bumalik ka na lang doon sa sofa."

Hindi ko na lang rin siya kinontra at bumalik na lang sa inuupuan ko kanina.

"But I am not happy about what you did, Selena," dagdag niya.

Tinaasan ko lang siya ng kilay sa sinabi niya. Halata naman kahit 'di niya sabihin. Looks like he treasure his secretary the most more than his wife, huh?

Hindi ko na lang siya pinansin at naupo ng tahimik sa sofa. At nagpatuloy 'yon hanggang sa lunch time. Hindi kami kumain ng lunch dahil focus ang mata niya sa trabaho.

It's already 2 pm nang may kumatok sa opisina ni Diego. Dahil hindi naman sumagot si Diego ay ako na ang gumawa.

"Come in," usal ko.

Naghintay ako ng ilang sandali na pumasok ang kumatok pero hindi siya pumasok. Instead, nagpatuloy ito sa pagkatok.

"I said come in!" sigaw ko mula sa loob.

Napikon ako ng patuloy pa rin ito sa pagkatok. Nilingon ko si Diego na nakatutok pa rin ang atensiyon sa ginagawa sa harap ng laptop niya.

"Diego..." tawag ko sa kaniya na nagpapahiwatig.

Nagtaas siya ng tingin sa 'kin at kinunotan ako ng noo. " What?"

"What what?" tinaasan ko siya ng kilay. "Kanina pa may kumakatok."

Huminga siya ng malalim at tumingin sa pintuan. "Come in."

Mabilis na natigil ang pagkatakot sa pinto at pumasok ang mukha ng sekretarya niya. Mabilis na umahon sa 'kin ang inis.

Kaya pala ayaw niyang pumasok no'ng ako ang sumagot kasi gusto niya na ang asawa ko ang sumagot. Hindi pa rin niya ako kinikilala.

"Diego, it's time for our lunch." Ngiti niya kay Diego.

Mas lalong napataas ang kilay ko. Nasaan ang Sir? At bakit kung maka-Diego naman? At ano raw? Lunch nila? Nila lang? Paano ako?

Bago pa makasagot si Diego ay tumayo ako. Disrespecting me and ignoring my presence is a big no to me. Naglakad akong muli papunta sa likod ni Diego.

"So..." Sinadya kong putulin ang pagsasalita ko.

Nang makarating ako sa likod ni Diego ay humawak ako sa dalawang balikat niya at bahagya itong minasahe. Landian lang rin naman ay hindi ko aatrasan.

"Hindi na lang ako kasama sa lunch ninyo? Ako ang asawa, baka nakakalimutan mo."

Nakita kong umikot ang eyeballs ng babae pero wala akong pakialam. Dahan-dahan kong pinatakbo pababa sa braso ni Diego ang kamay ko hanggang sa mukhang niyayakap ko na siya mula sa likod. Nasa tenga na ni Diego ang bibig ko.

"How 'bout me, Daddy? Hindi ba ako kasama sa lunch niyo? Would you let your wife's stomach starving?" pabulong na tanong ko.

Sana mapatawad ako ng Panginoo sa ginagawa ko. Ayoko rin nito pero hindi ko naman hahayaan ang ibang babae na landiin ang asawa ko sa harap ko.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon