Kabanata 17

15.3K 362 8
                                    


"Nakakainis talaga siya, Kuya. Bakit gano'n ka babaw ang utak niya? Para lang sa damit?"

Tinawanan lang ako ni Kuya Jake. Iniwan ko na si Diego sa bahay dahil naiinis ako sa kaniya. Ayoko pumunta sa bahay kaya rito na lang ako pumunta sa bahay niya.

"He has his own reason, Lena. At saka tama naman siya, sa pagpasok mo sa banyo binigay mo na sa kaniya ang karapatang pumili na damit para sa 'yo. Plus the fact..." Humarap siya sa 'kin mula sa pagluluto. " Na asawa mo siya."

Napanguso ako. Mula sa pagkakahilig sa entrance ng kusina ay bahagya akong lumapit sa kaniya na busy na naman sa paghihiwa ng ingredients.

"Kaya nga, asawa ko nga siya. Dapat mas intindihin niya ako at saka don't you think I a right? Ang init kaya ng panahon."

"Still, the fact that he puts an effort into picking your clothes doesn't change."

Napabuntong hininga ako. Magkapareho yata sina Kiya Jake at Diego ng pananaw sa buhay. Hindi ko sila maintindihan pareho. Sakit sa ulo.

"Welcome to Jake's humble home self!" rinig kong may sumigaw sa sala.

Napakunot ang noo at napatingin kay Kuya Jake. Ngumisi lang siya at sumenyas na puntahan ko.

"Jakey honey? Where are you?"

Nanlaki ang mata ko ng makilala ang boses na tunatawag kay Kuya Jake. Mabilis akong tumakbo palabas ng kusina and there I saw Regie.

"Giek!" excited na tawag ko sa kaniya.

Napalingon naman siya sa 'kin agad. Nanlaki ang nata niya nang makita ako.

"Dess?"

"Regie!" masayang ani ko at tumakbo papunta sa kaniya.

"Whoah! Easy." Halakhak niya ng diretso akong tumalon papunta sa kaniya. Mabuti nasalo niya ako.

"Na-miss kita."

Mas hinigpitan ko ang pagkakayakap sa leeg niya. Nakapulupot rin ang dalawa kong paa sa bewang niya.

"Hindi kita na-miss, bata."

Natawa lang ako. Ilang linggo ko rin siyang hindi nakita. Months pa nga yata. Simula no'ng ikinasal kami ni Diego, doon lang huling pagkikita namin.

Naglakad siya at alam ko ang daan kung saan kami papunta.

"Hey there, Jakey baby," bati niya sa kapatid.

"Shut it, Regie!" asik kaagad ni Kuya Jake.

Tinawanan lang siya ni Regie pagkatapos ay dahan-dahan akong ibinababa.

"Bakit hindi ko man lang alam na pupunta pala here ang ating pinaka paboritong pinsan?"

"Why do you need to know? Pa sulpot-sulpot ka lang naman sa mga buhay naming lahat," asik ni Kuya Jake.

"Ouch. Masakit." Acting ni Regie at hinawakan pa kunware ang puso niya. " Dess, sinasaktan ako ng kakambal ko. Masakit masiyado. Aray ko...."

Napailing ako. "Totoo naman. Last ngang kita natin, sa kasal ko pa."

Natigil siya sa pag-acting at sumeryoso ang mukha.

"I was busy with my cases, eeh? At saka alam mo naman na most demanded lawyer in the Philippines ang pinsan mo, Dess."

"Kaya mo kinalilimutan ang pamilya mo? Mommy's finding you always. Lagi ka raw wala. Sa lahat na lang ng okasyon, wala ka," singit ni Kuya Jake na wala sa amin ang paningin dahil busy sa pagluluto niya.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon