Kabanata 34

12.9K 267 8
                                    


Diego and I spent our sunday going to church. Pinilit ko siyang magsimba kami kasi simula kinasal kami, hindi ko pa siya nakitang nagsimba. Kaya ngayon, hindi ko man ipapangako pero susubukan kong dalhin siya bawat linggo sa simbahan.

"Ready for school?"

Tumango ako at isinukbit ang bag ko. Lunes na naman kasi, we need to go back to school.

"Ako na maghahatid sa inyo," alok ni Diego.

Tumango na lang ako. Alam na alam ko na kahit aayaw ako ay magmamatigas siya. Isa 'yon sa ugali niya, ang magmatigas. Gusto laging nasusunod.

Sabay kaming bumaba. He's wearing his business suit habang ako naka-uniform. Gano'n rin si Jenefe na naghihintay na pala sa 'min sa baba.

"Si Diego raw ang maghahatid sa 'tin, Jenefe."

Tumango siya. Nang makasakay kami sa kotse ay diretso pinaharurot ni Diego. Nasa shutgon seat ako kasi gusto ni Diego.

"Anong oras ang uwian niyo?" biglang tanong ni Diego.

"Ngayon, Sir?" tanong ni Jenefe.

"Yes."

"Ah, mga alas sais na po ako makakauwi ngayon kasi may gagawin pa po kaming project kasama ang mga group mates ko. Si madame Selena po ay alas kwatro ang uwian."

"Tama." Tumango ako, nag-agree sa sinabi niya. Pero hindi ko alam na alas sais na siya makakauwi.

"Gusto mo ba hintayin na kita mamaya, Jenefe? I won't mind."

"Nako, huwag na, madame."

Tumango ako. Pagdating sa school ay naunang bumaba si Jenefe at nagpaalam na mauuna na dahil nay gagawin pa siya.

"Thank you and drive safely." Ngumiti ako kay Diego at lalabas na sana ng magsalita siya.

"Ako ang susundo sa 'yo mamaya. Wait for me."

"'Di ba gabi ka na umuuwi?" takang tanong ko.

"I'll be done in that time so susunduin na kita rito. Wait for me, okay?"

Hindi ko napigilang matawa sa tono niya. Agad na kumunot ang noo niya kaya lalo akong natawa.

"Why are you laughing?"

"Wala naman. You just sound like you are talking to your daughter."

"Selena...." mariing tawag niya sa pangalan ko.

Napahalakhak ako. "Mukha ka naman talagang nagbibilin sa anak mo na wala pang alam sa mundo, ah? But don't worry, it sounds sweet." Bawi ko naman.

"I'm in a good mood, please don't ruin it."

"Okay po. Sorry po." Lumapit ako sa kaniya at kiniss siya sa pisngi. "Ingat ka po sa pagd-drive. See you later."

He nodded. Akmang bubuksan ko na ang pinto ng hilahin niya ang braso ko kaya napabalik ako.

"Bakit?" takang tanong ko.

"Pwede bang 'wag ka na lang pumasok? Sumama ka na lang sa 'kin sa opisina."

"Hoy, hindi pwede." Napatawa ako. "Kailangan kong pumasok, ano ka ba." Pinalo ko pa ang kamay niyang nasa braso ko.

"But I can provide for our needs, baby. May pera na ako. You don't need to go to school."

"Deigo..." Huminga ako ng malalim. "It is not about money, it is about my dream and passion. Aanhin ko ang pera mo kung hindi ko naman nakuha ang gusto ko?"

"But—"

"No buts, Diego. Aalis na ako baka saan pa mapunta ang usapang 'to."

Tumango siya at binitawan na ang kamay ko.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon