Kabanata 31

13.3K 312 10
                                    


Pagod ako galing sa school kaya diretso higa ako sa sofa pagdating. Gano'n rin si Jenefe. Nakakapagod pala ang college. Sakit sa utak.

"Madame, okay lang po kayo? Kukuha po ba ako ng tubig or juice para sa inyo?"

"Huwag na, Jenefe, ayos lang ako. Ikaw magpahinga ka muna bago ka tumulong sa paghahanda ng hapunan," ani ko at ipinikit ang mga mata.

"Opo."

Masiyado yata akong nasanay na walang klase at nasa bahay lang dahil first week pa lang ng college life ko, pakiramdam ko, drained na drained na ako. Ang laki pala ng kaibigan sa high school at sa college. Ang laki talaga.

"Madame Selena, pwede po ba magtanong?"

"Hm." Nakapikit na tango ko.

"Medyo personal po, e."

"It's okay. I won't mind."

"Sige po, ano po kasi, nag-aaway po ba kayo ni Sir Diego?"

Napadilat ako ng wala sa oras dahil sa tanong niya. Umayos ako ng upo at tiningnan siya. Napaiwas naman siya ng tingin.

"Bakit?" tanong ko.

"A-Ah narinig ko po kasi ang mga kasamahan kong nag-uusap na baka raw po nag-aaway kayo dahil wala raw po kayong pansinan. Kapag raw po narito ka, sir Sir Diego ang wala. Kapag naman raw po, wala ka, si Sir Diego ang narito."

Dahan-dahan akong tumango. Napapansin pala nila.

"Hindi kami nag-away ni Diego," tanging sagot ko.

Hindi naman talaga kami nag-away ni Diego. Hindi kami nag-away ngunit mahigit dalawang linggo na ang nakakaraan pero hindi pa rin kami nakakapag-usap. Ni maikling batian ay wala kami. Hindi ako ang umiiwas kaya halatang siya ang umiiwas.

Pupunta siya ng office ng maagang-maaga tapos uuwi gabing-gabi na na tulog na ako tapos pagkagising ko, wala na siya dahil nasa office na.

Gusto ko siyang kausapin tungkol sa nalaman ko kay Glenda at tungkol na rin kay Kuya Jake pero halatang iniiwasan niya ako.

"Ah. Sige po, magbibihis na po ako."

Tumango ako at umalis na siya. Ako rin ay umkayat na para magbihis. Ang hindi ko inaasahan ay sa pag-akyat ko ay naroon pala si Diego sa kwarto. Tulog na tulog.

Nagulat ako dahil alas singko pa naman. Usually, uuwi siya mga hating gabi na. Dahan-dahan akong naglalad papasok ng kwarto at siniguro kung tulog ba talaga siya at tulog nga. Napabuga ako ng marahas na hininga. May oras na sana para makapag-usap kami, tulog naman.

Umiling ako at nagbihis na lang. Pagkatapos ay bumaba na ako para tulungan sina Jenefe sa paghahain ng hapunan.

"Madame, nakita niyo po ba si Sir Diego sa itaas?" tanong no'ng isang katulong.

"Opo. Nakita ko na po. Tulog na tulog, mukhang pagod."

" Totoo po. Mukhang pagod na pagod si Sir. Uuwi ba naman ng alas dose tapos aalis ng alas kwatro y media ng umaga." Umiling siya at umalis para kumuha ng juice.

Napailing ako. Ang daming napapansin ng mga katulong dahil kami lang rin naman ang nasa bahay. Bukas ay sabado, wala akong ibang gagawin kundi manatili sa bahay o 'di kaya ay bisitahin sina Mommy. Ang panahon na ang bahala.

Oras na ng kainan pero wala pa rin si Diego. Hindi pa rin bumababa kaya umakyat na ako para gisingin siya. Alas siete na ng gabi pero tulog na tulog pa rin siya pag-akyat ko.

" Diego..." Tinapik ko ang braso niya.

"Hm." Ungol lang niya.

"Diego, gising na. Oras na ng hapunan."

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon