Kabanata 6

17.2K 525 20
                                    


A/N: It's been a week since I last updated due to bagyong Odette and now, I am back. Hope you like this update, keep safe y'all:>










Dati napapanood ko lang sa mga teleserye ang mga ganito ka bongga na kasal pero nararanasan ko na ngayon. Malapit na kami sa simbahan at gusto kong umatras.

Everything is really settled. Matagal na pala nila 'tong plinano at kagabi lang in-announce at nagaganap na ngayon.

From the venue, church, maid of honor, bridesmaid, best man, my gown, Diego's suit, cake, rings, and everything that involves today ay si Mommy at Mommy ni Diego ang gumawa at nagplano.

Wala man lang akong kaalam-alam na ikakasal na pala ako. Hindi man lang nila ako hinayaang kilalanin muna ang magigising asawa ko.

Kumalabog nang mabilis ang puso ko nang tumigil na ang sinasakyan sa labas ng simbahan. Mabilis akong inalalayan ng organizer na bumaba.

Lahat nakahanda na sa labas ng simbahan. Ako na lang ang hinihintay. Ako na gusto nang umatras at tumakbo.

Pagkarating ko sa tapat ng pinto ay sinabihan ako nang organizer na hintayin ang pagbukas ng pinto at pagtunog ng music.

Kailan niya talaga akong sabihan nang gagawin dahil hindi ko naman alam ang gagawin ko rito. Bukod sa gustong-gusto ko nang tumakbo ay wala na akong ibang iniisip ngayon.

Tumunog na ang music hudyat na papasok na ako. Ang puso ko ay hindi na magkamayaw sa pagtibok. Huminga ako ng ilang daang beses. Nang tuluyan nang bumukas ang pinto ay naiyak ako sa rami ng tao.

"Sige na, Miss Selena." Bulong na sigaw ng organizer sa gilid nang hindi ako gumalaw.

Nanginginig ang paa at kalamnan na naglakad ako papasok ng dahan-dahan. Nakita ko ang mga paghanga sa mata ng mga tao sa loob ng simbahan pero hindi ko magawang maging masaya.

Sinalubong ako nina Mommy at Daddy sa gitna ng aisle. Naiyak ako bigla nang makitang umiiyak si Mommy. Bumuhos ang luha ko nang papalapit na kami kay Diego.

Never in my life, had I imagined that I will be married at such a young age at pilit pa.

Maybe a lot of people are thinking that I am just happy that's why I am crying just like the other bride but what they don't know is I feel the opposite.

Nang dumating kami sa harap ni Diego ay mas lalong bumuhos ang luha ko. Dito na. Dito na magtatapos ang masasayang araw ko. Nagbatian sila na parang totoo ang kasal na 'to. Na parang totoong masaya at may pagmamahal ang nagaganap ngayon.

Niyakap rin ako ng mag magulang ko bago sila umupo sa mga upuan nila.

Ngayon ay nasa altar na ako kasama ang lalaking hindi ko pinangarap na makasama. Pinahid ko ang luha ko.

"Magandang umaga sa lahat. At talaga namang napakaganda ninyong lahat lalong-lalo na ang ating bride," paunang ani ni Father.

"Gusto kong magpasalamat sa inyong pagpunta upang masaksihan ang pag-iisang dibdib nina Miss Selena at Mr. Diego. Mga kaibigan, kapamilya, kamag-anak at maging kaaway man, salamat sa pagpunta. Ngayon narito tayong lahat ngayon upang makita ang pagpapahayag ng dalawang batang 'to nang kanilang pag-ibig sa isa't-isa."

Mas lalong tuloy akong naiyak. Hindi ko kayang narito ako sa loob ng simbahan nagsisinungaling.

"Stop crying. You're make up will be ruined." Bulong ni Diego sa 'kin na hindi ko pinakinggan.

Anong pakialam ko sa make-up? Mas uunahin ko pa ang make-up ko kesa sa sira kong puso?

"Ang pag-iibigang ito ay ipapakita ninyo ngayon sa harap ng ating mahal na Panginoon kaya magdasal muna tayo."

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon