Kabanata 27

14.8K 359 1
                                    


Dating Diego will not be a good idea, I know. But I don't have a choice, he'll come and I need to say yes or else, no one is going out. Gaya no'ng nangyari sa 'min last time.

"Fasten your seatbelt."

Tumango ako at inayos ang seatbelt. Pinatakbo naman niya agad ang kotse.

"What do you want to do first when we arrived at the mall?"

Nag-isip naman ako. Ang plano ko sana kanina ay mag-shopping but I know Diego will be bored. Siya pa na napakaliit ang pasensiya sa mga bagay?

"Hm, I am thinking if we could go to—"

"Oh, by the way, your Mom told me about your upcoming enrollment."

Nanlaki ang mata ko ng maalala ko na malapit na nga pala ang pasukan namin. Second week of November 'yon at hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapagpag-enroll.

"What's wrong with your school? Bakit November ang start ng klase niyo?"

"I don't know," kibit balikat na sagot ko.

Tumango siya. Hindi na nagsalita pa. Naalala ko ang tanong niya kanina kung anong una naming gagawin pagdating sa mall. Pero dahil sa pangalawang sinabi niya ay hindi na ang mall ang gusto kong puntahan kundi book store.

Gusto kong bumili ng mga libro na related sa law. I want to be a lawyer in the future after all. Kaya 'yon ang sinabi ko sa kaniya na puntahan namin na mabilis naman niyang sinang-ayonan.

Pagdating namin sa book store ay nahiya ako kaagad. Date nga pala 'to sabi niya pero heto't dinala ko siya sa book store.

"Let's go?" aniya.

Tumango ako kahit nagdadalawang isip. This is not a date anymore or maybe it is? A book store date? I don't know. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang gagawin sa date dahil unang pagkakataon ngayon na nakipag-date ako.

"You seem bothered."

Napaigtad ako sa boses ni Diego sa gilid ko. Napailing ako nang makitang may hawak na siyang mga libro samantalang ako ay wala pa kahit isa.

"Are you okay? Bakit parang kanina ka pa wala sa sarili?" kumunot ang noo niya.

Mabilis akong umiling. "Wala 'to. Sige, maghanap ka na ulit ng libro na gusto m—"

"No. Actually..." Inilahad niya sa 'kin ang apat na makakapal na libro. "This is for you. Kanina ka pa kasi ikot ng ikot pero wala ka namang kinukuha kaya ako na." Ngumiti siya.

Napatikhim naman ako sa kahihiyan. Ako ang nag-aya na rito na pero ako rin pala ang walang makukuha.

"Don't worry. That book will help you in your chosen career which is being a lawyer."

Ang kaninang hiya ko ay napalitan ng pagtataka. Mukhang na-realize niya ang sinabi kaya mabilis siyang umiwas ng tingin at umalis sa harap ko.

Mas lalong kumunot ang noo ko. How did he know that I want to be a lawyer? Ipinilig ko ang ulo ko para huwag nang pansinin 'yon at sinubukang maghanap ng libro.

Pero napatigil rin ako ng may marinig akong nag-uusap sa gilid ko. Panay puri ang ginagawa nila at may kasama pang mahihinang hagikgik. Napatingin ako sa kanila at may tinitingnan silang isang tao. Sinundan ko 'yon ng paningin at nakita ko na sa dulo ng tingin na 'yon ay ang asawa ko na gwapong-gwapo na namimili ng libro.

Pinagmasdan ko rin si Diego na namimili ng libro. Ang bawat pag-usisa niya kung anong libro at kung saan ito tungkol ay nakakadagdag sa charm niya. Ang pagkunot ng kaniyang noo at pagsalubong ng kaniyang kilay sa bawat pagbabasa niya ng description sa likod ay nakakahanga.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon