Kabanata 41

15.3K 351 7
                                    


Nang maiuwi ko ang mga bata kay Jenefe ay bumalik rin ako sa condo. Si Jacob ay para na rin naman anak ni Jenefe kaya okay lang siya roon. I am planning na hihiramin ko sila ulit mamayang gabi.

Bago ako bumalik sa condo ay nag stop by muna ako sa isang milk tea shop. I bought three drinks. For me, for Kuya Jake and for Regie.

Pagkatapos ay dumaan ako sa isang store para bumili ng pagkain na chips. Namimili ako ng uri ng chips nang may bumangga sa likuran ko.

"Aw!" hiyaw ko dahil sa lakas ng pagkakabangga niya.

"Sorry, sorry. Sumakit lang bigla ang ulo ko at— Selena?"

Natigilan ako at nanlaki rin ang mata ng maklaro ko kung sino ang nakabangg sa 'kin.

"Glenda?"

Napaawang ang bibig ko ng makita ang kabuuan niya. Ang laki ng pinagbago niya. Mukha siyang may pagod na pagod sa buhay. Pumayat siya at ang maputi niyang balat dati ay medyo nangingitim na ngayon.

She's wearing a over sized t-shirt paired with a jeans. Naka-flat shoes rin siya. May hawak siyang diaper sa isang kamay at wipes naman sa kabila.

"Ikaw nga." Ngumiti siya. "Kumusta ka? Hindi na kita nakita simula no'ng na-hospital ka."

Wala akong mahanap na salita na maisagot sa kaniya. She's talking to me like we are old friends na hindi nakita ng matagal.

"Well?"

"A-Ah, I'm good. Ikaw? Kumusta ka?"

"You tell me, Selena." Humalakhak siya.

Sinasabi niyang ako na ang humusga sa kaniya kung okay lang ba siya. At kung totohanin ko ay masasabi kong okay siya na hindi.

"Sige, mauuna na ako sa 'yo. Sorry talaga at nabangga kita." Ngumiti siya at tumalikod na. Babalik na rin sana ako sa pamimili ng pagkain ng humarap ulit siya sa 'kin.

"Nice to meet you again, Selena."

Napipilitang ngumiti ako sa kaniya at tumango. "Ako rin."

Tuluyan na siyang umalis sa harap ko. Glenda isn't that old because she's just 29 pero mukha siyang 30's. Mas tumanda siya tingnan kesa sa edad niya.

Ano kayang nangyari? Bakit naging gano'n siya? The sophisticated Glenda is now gone. Naghihirap na ba siya? Pero imposible, mayaman si Diego at mayaman ang pamilya niya.

Ipinilig ko ang ulo ko. Hindi na dapat sila ang iniisip ko dahil matagal na kaming walang koneksiyon. Bumalik na lang ako sa pamimili.

Umuwi rin ako kaagad pagkatapos at naabutan kong malapit nang matapos ang mga pinsan ko.

"Napakagaling naman. Tama 'yan. Tamang-tama 'yan." Inilagay ko ang mga dala ko sa center table at pumalakpak.

Sinamaan nila ako ng tingin. Binilatan ko lang sila. Hinintay kong matapos sila bago kami sabay-sabay na umupo sa sofa at kumain ng dala. Bumili rin kasi ako ng pizza.

"Wala bang beer?" tanong ni Regie.

"Meron sapak, gusto mo?" Inirapan ko siya.

"Bakit ba ayaw na ayaw mo sa alcohols, Dess? Okay rin naman 'yon minsan."

"Hindi 'yon kailanman magiging okay, Regie." Umiling ako.

Napalingon ako sa orasan. Alas onse na pala ng umaga. Kaya pala nagugutom na 'ko. Wala pa ako g agahan.

"Hindi tayo nakapag-kumustahan ng maayos kagabi dahil inagaw ni Regie at ng asawa niya ang moment," wika ni Kuya Jake habang ngumunguya ng pizza.

"Oo nga," pagsang-ayon ko.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon