Kabanata 37

12.9K 286 1
                                    


Jenefe's POV

Hindi ko alam paano ipaliliwanag sa lahat ang nangyayari. Sobrang bilis. Kanina lang katulong ako nina madame Selena, ngayon hindi ko na alam kung ano ako. Katulong pa rin pa o girlfriend ni Regie.

"Somethings bothering you?" Napaigtad ako sa boses na nanggaling sa gilid ko.

Si Regie lang pala.

"Ukopadong-ukopado ang isip natin, ah? May dapat ba akong malaman? Any boyfrieng, fling or textmate from you, Jen?"

"A-Ano?" gulat na tanong ko.

"Wala. Magpahinga ka na." Umiwas siya ng tingin at tumayo.

Hindi ako makapaniwalang sumama ako sa lalaking 'to rito sa bahay niya kahit wala kaming maayos na relasyon. Lumabas siya ng diretso at iniwan akong mag-isa.

Tapos na akong libutin ng paningin ang kwartong kinaroroonan ko at kwarto niya 'to, alam ko. Naglinis lang ako ng katawan pagkatapos ay humiga na at idinial ang number ni Sir Diego.

"Hello, Sir?" salubong ko ng sagutin niya ang tawag.

"Napatawag ka, Jenefe?" pagod ang boses niya.

"Ah, kakamustahin ko lang po si madame Selena, hindi na po kasi ako nakabalik."

"She's okay now. Gising na rin siya."

Gulat na napabango ako. Biglang sumaya ang mood ko at parang gusto kong liparin ang hospital para makitang gising na si madame.

"Talaga po? Kamusta po? Anong sabi niya? Nagkausap na po ba kayo?"

"No. Ayaw niya akong kausapin. Panay lang titig niya pero ayaw bumukas ng bibig niya para sumagot." Ramdam ko ang lungkot at pagkabigo sa boses ni Sir Diego.

Tiningnan ko ang oras at alas onse na ng gabi. Masiyado nang gabi para pumunta pa ako sa hospital pero mukhang kailangan ako. Hindi man kami close ni madame Selena pero alam king kakausapin niya ako dahil wala naman akong kinalaman sa problema nila.

"Pupunta po ako riyan, okay lang po ba?"

" Will Regie allow you?"

"Po?" gulat na tanong ko.

"Regie texted me about you living with him. Baka hindi ka payagan na pumunta rito at saka gabi na rin. Magpahinga ka na lang at bukas ka na pumunta rito."

Naninibago ako sa suyo ng boses ni Sir Diego. He wasn't like this. Nabago na nga yata talaga siya ng tuluyan ni madame tapos dinagdagan pa ng lungkot niya ngayon dahil hindi niya kinakausap ni madame Selena.

"Okay lang naman po kung pumunta ako riyan ngayon. Uuwi rin po ako kaagad."

"Bukas na lang, Jenefe. I don't want another fight with Regie baka lalo lang lumayo ang loob sa 'kin ng asawa ko. Sobrang dami nang sakit ang nabigay ko sa kaniya, ayoko nang dagdagan."

"Per—"

Pinatay niya ang tawag. Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko. May mga bagay talaga na kahit anong ayos natin ay gugulo lalo. Katulad ni Sir Diego, inayos na niya ang buhay niya at nilayuan si Glenda pero heto't binabalikan siya ng mga nagawa niya rati.

Hindi ko na ipipilit na pumunta roon. Bukas na lang nga yata talaga. Humiga ulit ako at pinatay ang phone ko para matulog na.










Selena's POV

"Baby, talk to me please.... Please, I wanna hear your voice... Kahit awayin, murahin, at saktan mo pa ako, okay lang. Please..."

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon