Kanina pa hindi mawala ang ngiti sa labi ko dahil sa nangyayari. Medyo nawala na ang sakit na kanina ay naramdaman ko. Hindi ko alam na ni-career pala talaga ng mga maids ang pagpa-plano at kani-kanina lang ay may dumating na mga comedian at hanggang ngayon ay pinapasaya ang mga guests. Hindi sila mga artista pero napaka-galing nila magpatawa. They deserve to be noticed.
Kanina pa tawa ng tawa ang mga tao. Duda ko hindi sila binayaran ng mga maids. Siguro mga relatives lang nila.
"Ano ang tawag sa artistang walang buhok ni isa?"
"Ano?" Natatawang tanong ng mga guests.
"Edi, KALBOy Abunda."
Ang lakas ng tawanan ng mga tao tho hindi ko alam kung dapat bang tawanan iyon. Kawawa naman si Sir Boy Abunda nadamay kahit wala siya rito.
"Ito naman, ano naman ang tawag sa masakit na nagtuturo?"
"Ano?"
"Edi....cheater."
Nagtawanan ang mga tao na mukhang nakuha ang joke.
"Cheater. Tutor. Magkatunog. Tapos masakit na taga turo? Taga-turo is tutor. Masakit is pain. Ah basta, nahihirapan akong mag-explain. Sana na lang na-gets ng lahat dahil tumawa naman kayo."
Doon mas lalong natawa ang mga tao. Talaga namang inexplain pa. Pati ang mga bata ay tawang-tawa sa kalokohan ng mga nagpapatawa.
Pati nga rin ako ay napapatawa na lang. Korni man pero nakakatawa kasi. Minsan kasi nasa korni ang nakakatawa.
"Ano naman ang tawag sa 18 na pero mukhang 14?"
"Si Selena!"
Sabay-sabay na nagtawanan ang lahat. Napalabi ako. Bakit ako nadamay.
"Grabi kayo. Kayo ba ang nagpapatawa? 'Di ba kami kaya dapat ano ang sagot ninyo. Desisyon kayo, ha." Nguso kunware ng mga comedian.
Napahalakhak ako roon. Nakakatawa iyon ha. Duda ko iyon talaga ang joke at hindi iyong nauna. Napaka-witty naman. Nage-enjoy na ako sa panonood ng may maramdaman akong dahan-dahang pumupulupot sa bewang ko.
"Having fun?"
Mabilis na napaangat ang tingin sa lalaking may-ari ng boses. Nanlaki ang mata ko ng makita si Diego. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko. At mas lalo pa itong bumilis ng hapitin niya ako palapit sa kaniya kaya nasubsob ako sa dibdib niya.
Malakas ang loob niya na gumawa ng ganito kasi busy ang mga tao kakatawa at narito kami sa bandang likuran.
"A-Ano b-ba, D-Diego..." nauutal na reklamo ko. Bahagya ko siyang tinutulak pero ayaw niyang bitawan ang bewang ko.
Sa halip ay mas lalo niya pa akong hinihila palapit sa kaniya. Magkadikit na magkadikit na nga ang mga katawan namin.
"I'm pissed, Selena. Really really pissed. I want to punch someone in the face to release this."
Natigil ako sa pagtulak sa kaniya dahil sa sinabi niya. Nag-angat ako ng tingin at sumalubong sa 'kin ang mukha niya at sa isang iglap lang ay magkalapat na ang mga labi namin.
Ang kaninang lakas ng tibok ng puso ko at trumiple pa yata ngayon. Dilat ang mga mata ko dahil sa gulat. Ngunit ng matauhan ay marahas ko siyang tinulak.
"Diego..." mariin ngunit mahina kong tawag sa pangalan niya.
"I really like it when you say my name. Hm, why is that?" Ngumisi siya at hinapit na naman ako.
Sinubukan kong lumayo pero masiyado siyang malakas. Anong laban ng isang dese otos anyos na babae sa isang bente otso anyos na lalaki? Wala kaya hindi na ako nagpumilit pa kahit ayokong mapalapit sa kaniya. Pakiramdam ko kasi kakapusin ako ng hininga.
BINABASA MO ANG
Her Ruthless Husband
RomanceSelena Dess Craig is married to Diego Martin Vargax. Their wedding was not planned. In just a blink of an eye, they were already in a church and were about to marry each other in the following seconds. _______________ Diego is good-looking and a wea...