Kabanata 42

15.7K 298 43
                                    


Sinalubong ako ng Mommy ni Diego sa labas pa lang ng kwarto niya. Nagmamadali akong pumunta rito nang sabihan ako ng Mommy niya. Muntikan pa ako mabangga dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Nalilito, nagtataka at kinakabahan ako ngayon.

For years, ngayon lang kami magkikita ni Diego at hindi ko na alam kung anong tamang iaakto sa harap niya. Last meet namin ay noon pang maulan na gabi na nakipagkalas siya sa 'kin.

"Hija, thank God at dumating ka." Niyakap niya ako at bumitaw rin agad.

"T-Tita, a-ano p-po ba ang namgyari?"

"See it yourself, hija. Tingnan mo ang anak ko. Hindi ko na alam ang gagawin sa kaniya. After niya maaksidente isang linggo ang nakakaraan ay comatose siya for 4 days tapos no'ng nagising siya, ikaw ang hinahanap niya. Panay pangalan mo ang sinasabi niya. Pero hindi niya kami matandaan lahat, ikaw lang talaga."

Napaawang ang bibig ko. "N-Naaksidente p-po s-siya?" gulat na tanong ko.

Tumango siya. "Yes, hija. Hindi ko na alam ang gagawin ko."

Nanginginig ang kamay ko habang nagsasalita siya. Hindi kayang pumasok sa utak ko ang sinabi niya. Naaksidente. Nawalan ng alaala. Comatose.

"Please hija, alam kong wala na kayo at matagal ng hiwalay pero nakikiusap ako sa 'yo, harapin mo naman ang anak ko. Please show him your face. Baka maaalala na niya lahat. "

"P-Per—"

"Nagmamakaawa ako sa 'yo, hija. Please..." Pahagulgol na ang Mommy ni Diego kaya kahit mahirap para sa 'kin ay tumango ako.

Hinawakan niya ang kamay ko at yumuko. "Salamat. Salamat. Nasa loob siya."

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko at dahan-dahang binawi ang kamay ko.

Kaya ko naman siguro 'to.

Huminga ako ng malalim at dahan-dahang binuksan ang pintuan at isinilip ang ulo. Nanginginig ang kamay at buong katawan ko. Dahan-dahan akong pumasok kahit napapalunok ako.

"Baby!" Sinalubong ako ng isang matamis na ngiti galing kay Diego pagkakita niya sa 'kin.

Napaawang ang bibig ko ng makita ko siya maayos.

"A-Ang b-buhok mo..." wala sa sariling usal ko.

"Why?" kumunot ang noo niya. "What happened to my hair? It's just long."

Nang hindi ako gumalaw ay ngumuso siya.

"Diyan ka lang? Hindi ka ba lalapit sa asawa mo? I missed you."

Nauubusan ako ng hininga sa bawat ginagawa niya. Bakit parang nag-ibang tao siya? Kung si Diego na dati ang kaharap ko ngayon ay hindi 'yon ngunguso para lang palapitin ako. At hinding-hindi 'yon magsasabing nami-miss niya ako.

Totoo ba na may amnesia siya?

"Baby!" maktol niya.

"H-Ha?"

"H-Ha?" gaya niya sa 'kin.

Ako naman ang napanguso. He really changed a lot.

"Baby, lapit ka sabi sa 'kin. Magtatampo ako kapag 'di ka lumapit, sige ka. Susuyuin mo talaga ako." Mas lalong humaba ang pagnguso niya.

Sasagot na sana ako ng tumunog naman ang phone ko sa bag. Kinuha ko 'yon at nakita kong si Regie ang tunatawag.

"Teka lang, sasagutin ko lang 'to," wika ko kay Diego at akmang maglalakad palabas ng sumigaw siya.

"Whoever you are who's calling my wife, I will hunt you down and punch you. Not just that, I will take everything from y—"

"Diego!" Malalaki ang matang saway ko sa kaniya.

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon