Kabanata 16

15.8K 360 36
                                    


Dumaan pa ang mga araw at gano'n pa rin ang trato ni Diego sa 'kin. Mas lalo pa nga yatang naging possessive. Hindi ko na alam saan ako lulugar. Ayokong mag-away ulit kami pero ayoko ring sobrang higpit niya sa 'kin. Nagmumukha kami literal na mag-Tito at hindi mag-asawa.

"Baby, if I ask you to come with me to the office today, would you come?"

Natigil ako sa paghahanap ng damit ko na susuotin ng marinig ko ang tanong. Nilingon ko siya at kinunotan ng noo.

"What do you mean? The last I checked, ayaw mo 'ko sa presensiya ko sa office kasi nakakasagabal ako sa inyo ni Gl—"

"Shut it, Selena. I am asking nicely here." Umigting ang panga niya.

"And I am answering nicely here," kibit balikat na sagot ko at tinalikuran siya para maghanap muli ng damit.

Hindi ko gusto ang patutunguhan ng usapan kaya lilihis at iiwas ako. Ayokong mag-away na naman kami, lagi na lang. Kahit okay na kami sa isa't-isa ay hindi pa rin maiiwasan ang alitan lalo na't ang ikli ng pasensiya niya.

Natulos ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang kamay niya na dahan-dahang pumapalibot sa maliit kong bewang. Nabitawan ko ang hawak kong damit.

"Why are you so grumpy, hm?" marahang tanong niya at bumaba ang ulo sa balikat ko. Natigil ako sa paghinga.

Bakit ba ganito na lang lagi ang epekto niya sa 'kin? Ang lakas ng tibok ng puso ko. Gusto kong lumayo pero ayaw ng katawan at puso ko.

"You're always mentioning Glenda's name. Can't you forget about her?"

Huminga ako ng malalim. "D-Diego—"

"I'm yours, baby."

Rinig na rinig ko na ang magkahalong malakas na tibok na puso ko at ang malalalim niyang hininga malapit sa tenga ko.

"D-Diego, t-teka ano k-kasi...p-pwedeng d-dumistasiy—" Hindi ko matapos ang sasabihin dahil natatakot akong ma-offend siya.

Pero hindi ko naman kasi alam na ang mag-asawa pala ay laging nagyayakapan. Hindi naman kasi ganito sina Mommy't Daddy.

"What is it, baby? Come on, finish your sentence..."

"A-Ah w-wala. S-Sige na, balik ka na roon sa kama. Maghahanap lang ako ng damit."

I need to find a way para malayo siya sa 'kin. Hindi na kakayanin ng puso ko, e.

"No," marahang aniya at hinawakan ang braso ko at dahan-dahan akong pinaharap sa kaniya.

Hindi ko na kakayanin ito. Ang lakas na talaga ng tibok ng puso ko. Nang makaharap na ako sa kaniya ay ngumiti siya. Ang kaninang malakas na tibok ng puso ko, ngayon ay natigil na yata.

Ang gwapo niya talaga. Ngayon ko lang 'yon aaminin na walang galit at inis kundi bukal sa kalooban ko. Ang gwapo niya na kahit gwapo si Edan ay nangingibabaw ang sa kaniya.

May madilim at matalim siyang titig pero hindi naman siya galit. Sadyang normal ang mga 'yon. Normal na kapag dumantay sa 'yo ay manghihina ka na lang.

His eyes aren't black. Ngayon ko lang nakita ng maayo dahil nakatitig siya sa 'kin. His eyes are color brown. Dark brown which suits his dark aura.

His hair is so clean na wala kang makikitang kahit isang buhok sa noo na pakalat-kalat. Wala ein siyang kahit ano sa katawan like tattoo or earrings or a necklace. Relos lang ang meron siya pero kapag pinares na niya 'yon sa black suit niya na kagi niyang suot-suot sa kompanya ay labis siyang nakakahumaling na tingnan.

Mas bagay sa kaniya ang suit or polo style na damit kasi nagf-flex ang malaki niyang katawan. I like him clean and neat. Mas lalong nakakahumaling.

"Selena?"

Her Ruthless HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon