"Enjoy your stay, iho. If you
have some problem, just
approach me. Nasa kabilang
bahay lang ako. So pano,
maiwan muna kita dito. By
the way, here's the key," sabi
ng
land lady sabay kindat sa
akin.
Tinanggap ko naman ang susi.
Pinanood ko muna siyang
bumaba ng hagdanan bago
pinasok sa doorknob yung
binigay niyang susi. Nung
nawala na siya sa paningin
ko, agad kong binuksan ang
pintuan. Sa totoo lang, kanina
pa ako nacucurious kung ano
ba talagang itsura ng
magiging kwarto ko. Naiinis
ako don sa landlady na 'yun
dahil may pasurprise surprise
pa siyang nalalaman.
Pagbukas ko, namangha ako
dahil hindi lang maganda ang
nasa loob kundi malinis din.
Bukod pa dun, mahusay rin
ang pagkakadesenyo ng buong
kwarto. Di ko lubos akalain
na
ibibigay ito sa akin sa
murang halaga nung landlady
kanina.
Talagang nasurpresa niya
ako.
Maganda ang view na
nakikita ko sa bintana.
Nakaharap ito sa silangan
kaya tanaw ko mula sa loob
ang sikat ng araw. Tanaw na
tanaw ko rin ang mga
naggagandahang bulaklak at
halaman sa hardin na nasa
labas kaya masasabi ko
talagang solve na solve ang
pagtira ko dito.
"Ayos! Para akong
nangupahan ng condo unit,"
sigaw ko.
Gumuhit ang napakalaking
ngiti sa labi ko dahil sa wakas
nakahanap na rin ako ng
bagong matitirhan. Hindi na
ako nag-aksaya ng oras at
agad ko nang pinasok sa loob
ang mga bagahe ko. Tuwang-
tuwa ako sa mga sandaling ito
dahil ramdam ko ang
masayang aura na
nakapalibot sa buong kwarto.
Binati ako ng preskong hangin
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.