Nagkuday dugo ang mga mata niya
tapos naglabasan ang mga ugat niya
sa magkabila niyang
pisngi. Sa puntong ito, aaminin ko na
talaga, kinilabutan ako sa ginawa
niya. Pero pinanindigan ko sa kanya
na hindi ako duwag.
Imbes na ipakita ko sa kanya na
kinikilabutan ako, dinaan ko nalang
ito sa biro. Nilapit pa niya ang
mukha niya kaya napaatras ang ulo
ko.
"Ikaw ba ang nawawalang kamag-
anak ni Sasuke?" biro ko sabay ngisi
ng nakakaloko ngunit hindi siya
natinag.
Nilabas niya ang mahaba niyang
dila at kusa itong gumalaw na parang
ahas.
"Oh my god, Orochimaru!" sigaw ko
at todo acting naman akong
natatakot sa kanya.
Natutuwa ako kasi desperado talaga
siyang takutin ako. "Tumigil ka na,
ilayo mo 'yang mukha mo please.
Wala akong balak makipagpalitan sa
'yo" sabi ko tapos nilayo ko ang
mukha ko sa kanya.
Hindi siya kumibo. Patuloy pa rin
siya sa pananakot ngunit parang
nasasanay na ako sa ginagawa niya at
parang dedma nalang sa akin ang
lahat.
Hindi nagtagal, hindi na ako nakatiis.
Umeksena ako sa harap niya at
nagcross arms, "Haay, ewan ko sayo.
Multo ka ba talaga!? Kung ako
tatanungin, bagsak ka sa criteria ko.
Oh sige na, better luck next time.
Malalim na ang gabi, kailangan ko
nang matulog. Naranasan mo naman
siguro maging tao di ba?" sabi ko
sabay hikab.
Natuwa ako nang bumalik sa dati ang
mukha niya. Napamura talaga ako sa
ganda niya. Napansin ko yung lips
niya na nagcurve pababa. Di ko
pinahalata sa kanya na natutuwa ako
sa pinapakita niya. Ang cute niya
talaga tingnan kapag nakasimangot.
Kung 'di palang sana siya multo.
Haha, alam niyo na.
--- END OF PROLOGUE ---
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Ficção Adolescentepaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.