Naupo ako sa study table sabay higop
ng kape. Di ko mapigilang matawa sa
loob ko dahil nakita ko siyang
sumimangot matapos ko siyang
dedmahin.
"Niloloko mo ba ako, ha? Di ka
naman mukhang nakakatakot e," sabi
ko sabay lingon sa kanya ngunit bigla
nalang siyang nawala.
Laking gulat ko nang sumulpot siya
sa harap ko. Naupo siya sa table at
nagcross ng mga braso. Muntik na
akong malaglag sa upuan dahil sa
gulat. Napansin niya ito kaya
sumabog siya sa tawa.
"Nagulat ba kita?" sabi niya sabay
halakhak.
"Siyet. Sino ka ba talaga ha? Anong
ginagawa mo dito? Tsaka, kilala ba
kita? Kilala mo ba ako? Sabihin mo
nga, naguguluhan na ako. Ba't ka
nagpapakita sa 'kin? Ikaw yung
nagsuicide, ano?" tanong ko.
"Pano kung sabihin ko sa 'yong ako
nga," sabi niya at unti-unti na
namang nagbabago 'yung mukha
niya.
"Di mo ba ako titigilan? Sorry kung
maoffend kita ha. Pero sa totoo lang,
mas nagmumukha kang baliw na
multo sa ginagawa mo," pang-aasar
ko.
"Kunwari ka pa. Alam kong
kinikilabutan ka na e," ngumisi siya
at nakita kong naglabasan ang mga
pangil niya.
"Tumigil ka na! Wala ka bang
magawa? Please lang, lubayan mo na
ako!" sigaw ko.
Bumalik sa normal ang mukha niya,
"Oy, ang sungit mo naman. Oh sige,
titigilan ko na,"
Nagulat ako sa sinabi niya, "E bakit
ka nga pala nagmumulto?"
"Wala. Ahm, ayoko lang na may
kasama ako dito sa kwarto ko.
Nakakainis kasi, masyado silang
makalat. I want to preserve the
beauty of this room tutal dito na rin
lang naman ako kinulong. It's been a
year na rin since nagstart akong
magmulto. Pero alam mo sa lahat ng
nagtangkang magrent dito, ikaw lang
'yung nakakakita sa akin. Ang mas
nakakagulat pa e ni hindi ka man
lang natakot sa 'kin nung nagpakita
ako sa 'yo. May third eye ka ba?"
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Fiksi Remajapaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.