Chapter 9-3

130 2 1
                                    

Labis na nalungkot ang dalaga sa

sinabi ng binata. Naisip niyang tama

nga siguro ang kanyang instinct,

malamang nagbibiro lang ang

kanyang kausap. Aminado siyang

medyo nasaktan siya sa sinabi ng

binata kasi parang ganon lang ang

habol nito sa kanya. Tinago niya ang

nararamdaman niyang ito.

Nagkunwari siyang hindi apektado sa

mga sinabi ng binata.

"Aba. Kasalanan ko pa talaga? Para

saan ang mata mo kung di ka naman

marunong mangopya?"

"Kahit kailan wala ka talagang

nasabing magandang advice. Akala ko

pa naman tuturuan mo ako kung

pano magreview ng tama," sabi ng

binata at nag-acting siya na parang

nalulungkot.

Tinakpan ng binata ang mga mata

niya. Sumilip siya sa pagitan ng mga

daliri niya. Napansin ito ni Shan kaya

agad siyang nabuking.

"Hala, huli ka! Best actor ka rin pala

no,"

Niyakap ni Jeth ang mga tuhod niya

dahil sa ginaw, "Hindi. Seryoso ako.

Saka lang ulit ako nakatikim ng

highest score nung last time na

sumama ka sa 'kin sa school,"

Napansin naman agad ni Shan na

parang giniginaw ang binata.

"Halika pasok na tayo. Turuan nalang

kita ng mga basic sa pagchecheat

during examinations," sabi ng dalaga

para lang may masabi siyang dahilan

para pumasok sila.

Pumasok na sila sa loob. Naiwan si

Shan sa kwarto dahil kailangan pang

maghapunan ni Jeth sa baba. Nandon

pa rin sa kama ang laptop ng binata.

Nangangati talaga ang mga kamay

niya at sa isip niya, kung buhay pa

sana siya ay kanina pa niya ito

binuksan.

Pero isang bagay ang umagaw sa

atensyon niya. Nakita niya sa study

table ang tulip na pinitas ng binata

kanina at nakalagay ito sa basong

may lamang tubig. Napangiti siya ng

todo sa nakita niya.

Napabuntong-hininga ulit siya.

Tiningnan niya ang buong kwarto.

Masaya siya dahil hindi lang sa

maayos at malinis ito kundi dahil

wala pa rin nagbago dito simula nung

Suicide letterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon