chapter 4-2

145 2 0
                                    

Naalala ko yung headset na binili ko

kanina kaya kinuha ko ito at kinabit

sa magbilang tenga ko.

Tinapat ko sa bibig ko ang

microphone, "Ayos ba? Do I look

cool?"

Todo ngiti naman siya at nagthumbs

up pa sa akin.

"Saan nga pala tayo papunta?"

tanong niya.

"Aba, malay ko sa 'yo,"

"Ay onga pala. Nagpapasama lang

pala ako sa 'yo,"

Nauna siyang naglakad kaya sumunod

naman ako.

"I miss this kind of life talaga," sabi

niya sabay pikit ng mga mata at

spread ng mga braso.

"Sinabi mo na sa 'kin 'yan kanina,"

pa-sarcastic kong sinabi.

"Hmmnp, killjoy. Oh, wait. Tara don

tayo!" sabi niya at sinundan ko

naman siya.

Nagpunta kami sa mga shop ng mga

Women's Apparel at Fashion

Accessories. Medyo naiilang akong

pumasok kasi panay babae naman

ang nasa loob. Di ko mapigilang

matawa sa loob ko.

Nakita ko siyang sumimangot, "Jeth

naman o. Halika na, samahan mo

'ko,"

Kanina pa niya ako gustong hilain

pero di naman niya magawa kasi

multo nga siya.

"Anong gagawin natin dito? May

bibilhin ka ba?" tanong ko.

"Wala. I miss all these stuffs. Sige na

please, samahan mo na ako,"

Dahil mapilit siya, sinamahan niya

ako sa loob. Kung alam lang sana

niya na kanina pa ako nagtitiis na

mga kalokohang pinapagawa niya sa

akin.

Nagpunta kami sa parang walk-in

closet ng shop. Sunod sunuran ako sa

kanya. Sa tuwing may nagugustuhan

siya damit, pinapakuha niya ito sa

akin at pinapatapat sa katawan niya.

Game na game naman siyang

pumuporma sa harap ng salamin.

Nagulat ako nang biglang may biglang

sumulpot na sales lady sa harap ko,

"Sir, anong tinitingnan niyo? Para sa

girlfriend niyo po ba?"

"Ah, ah yah. Pero pag-iisipan ko

muna. Nagdadalawang isip pa kasi

Suicide letterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon