Dinala niya ako sa isang Cellphone
and Accesory Shop. Nagtaka ako kasi
di ko magets kung bakit sa lahat ng
pwede naming puntahan e dito pa
talaga niya ako dinala at tsaka wala
naman siyang sinabi sa akin na bibili
siya ng cellphone. Hindi ko tuloy
matantya kung anong gusto niya
mangyari.
"Uy, bakit tayo nandito? May
ipapabili ka siguro no? Naku naman
o, sa ibang araw nalang please.
Limang daan lang dala ko at di ko
afford bumili ng phone ngayon para
sa 'yo," pabulong kong sinabi.
Napatingin sa akin lahat ng mga
taong kasama namin sa loob kaya
medyo nahiya ako sa sarili ko.
"Duh? Mag-isip ka nga! Aanhin ko
naman ang cellphone, ha? Anyway,
ayaw mong magmukha kang baliw sa
paningin ng mga tao di ba? So,
nandito tayo kasi I have an idea kung
pano natin masosolusyunan 'yang
problema mo,"
Napakamot ako ng ulo ko, "Wait.
Anong solusyon naman 'yan, ha?
Sabihin mo nga dali. Grabe
malulusaw na yata ako sa mga titig
nila. Please, gusto ko na talaga
umalis dito. Sige ka, pag di mo sinabi
di na talaga kita kakausapin kahit
kailan," bulong ko at gaya ng
inaasahan ko, muli kong naagaw ang
atensyon ng mga tao.
Peste, nakakainis. Punong-puno na
talaga ako. Sa tuwing kinakausap ko
siya, palagi ko nalang nakukuha ang
atensyon ng mga tao. Hiyang-hiya na
ako. Di ko na talaga matitiis 'to.
"Nandito tayo kasi bibili ka ng
headset, headphone or whatever is
that basta 'yung parang may
microphone. Hindi yung gamit ng
mga call center agent ang tinutukoy
ko ha? 'Yung typical headset lang.
Para kapag kinausap mo 'ko, iisipin
nila na may kausap ka sa phone mo.
Naisip ko lang 'tong idea na 'to Jeth
kasi halata sa itsura mo kanina na
naaasiwa ka na sa mga taong panay
ang titig sa 'yo kagaya nila. Tsaka
para na rin di ka nila mapagkamalang
baliw na nagsasalita mag-isa. It's up
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.