"Jeth, sorry talaga at nadamay pa
kita. Wala na kasi akong ibang
malalapitan. Obvious naman siguro
yun di ba? Wag kang mag-alala,
babawi ako sa yo next time. Pero
kung gusto mo, pwede ka namang
magback-out at aasikasuhin ko
nalang mag-isa itong problema ko,"
malungkot niyang sinabi sa akin.
Napabuntong hininga ako, "Sana
kanina mo pa 'yan sinabi. Ano nang
magagawa ko, nandito na tayo?" sabi
ko kaya mas lalo lang siyang
nalungkot.
Hindi nagtagal, nakarating na kami ng
Quezon City. Pinarada ni manong ang
kotse pagkatapos ay bumaba na kami.
Matamlay si Shan nang pumasok
kami ng ospital. Nagtanong kami sa
management kung anong number ng
silid ng Dad ni Shan. Hindi naman
nila ito pinagkait sa amin.
Hindi nagtagal, nasa harap na kami
ng mismong silid. Pareho kaming
napabuntong-hininga.
"Ano nang gagawin natin?" tanong
ko.
"Hindi ko nga alam e," sagot siya.
Napabuntong hininga ulit ako at
naupo sa kalapit na mahabang
upuan. Natahimik ulit kami.
Napansin ko siyang palakad-lakad sa
harap ko at di talaga mapakali. Hindi
nagtagal, nairita na ako sa ginagawa
niya.
Sinalpak ko ang mga earphone sa
tenga ko, "Pwede ba, itigil mo nga
yan!" sigaw ko sabay na tumayo at
naglakad.
Nabigla siya sa sinabi ko, "Jeth, saan
ka pupunta?" tanong niya.
"Magbabanyo lang. Huwag kang mag-
alala, babalikan kita dito," sagot ko.
Nandito ako sa may hallway ngayon.
Nagsinungaling ako kay Shan kasi
wala naman talaga akong balak na
magpunta ng banyo. Naasiwa lang
talaga ako sa pinapakita niyang pag-
aalala sa ama niya.
Nagpatuloy ako sa paglalakad
hanggang sa di ko namalayan na nasa
may lobby na pala ako ng ospital.
Nahagip ng mata ko sa may di
kalayuan ang isang pamilyar na
babae. Sinundan ko agad ng tingin
ang naturang babae.
Nagkasalubong kami at nilagpasan
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.