chapter 5: aw si crush!!

158 4 0
                                    

Bigla akong tinuro ng bata. Nagulat

kami ni Shan. Napatingin ako sa

kanya at ganon din siya sa akin. Ilang

saglit lang, pareho kaming napalingon

sa bata nang magsalita ito.

"Kuya, kuya. Ang ganda naman po ni

Ate. Bagay kayo,"

Muntik ko nang mabitawan ang Ice

Cream ko dahil nabigla ako sa sinabi

ng bata. Isa lang ang ibig sabihin

nito. Walang duda, katulad niya rin

ako na nakakakita ng mga multong

kagaya ni Shan. Tama nga si Shan,

hindi ako nag-iisa. Meron din palang

mga kagaya ko dito sa mundo.

Lumingon ako kay Shan at gaya ng

inaasahan ko, gulat na gulat din ang

itsura niya na nakatitig sa batang

paslit.

Nakita naming sumamangot ang bata

at tumingin kay Shan, "Ate, may

nasabi ba akong masama? Ba't

ganyan kayo makatitig sa 'kin,"

Nabulunan bigla ako matapos marinig

ang sinabi ng bata. Nakakatawang

isipin na dahil sa Ice Cream ay

nabulunan ako. Marahil isa lang yun

sa mga dahilan pero ang totoo niyan

labis akong nabigla kaya bumara sa

lalamunan ko yung Ice Cream.

Napaubo ako kaya naagaw ko ang

kanilang atensyon. Kinabog kabog ko

ang dibdib ko hanggang sa nawala

yung bara sa lalamunan. Ilang saglit

lang, bumalik na sa dati ang lahat.

Inayos ko ang sarili ko sabay lingon

sa batang paslit.

Biglang sumingit si Shan sa pagitan

namin, "Bata, nakikita mo ako?" sabi

niya sabay turo sa sarili niya.

Tumango ang bata bilang sagot.

Naintriga din ako kaya sumingit ako

sa usapan nila.

"Ilang taon ka na ba? Nasan ang

kasama mo?" tanong ko.

Binuka ng bata ang kanyang kaliwang

palad tapos nilabas ang hinliliit sa

kabila niyang kamay.

"Six years old ka pa pero nakikita mo

na ako? Seryoso ka ba?" tanong ni

Shan.

Nilapitan ko si Shan sabay bulong sa

tenga niya, "Ano ka ba? Umayos ka

nga. Ba't ganyan ka makipag-usap sa

Suicide letterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon