Nilagay niya ang mga palad niya sa
mukha niya at humagulgol.
Napabuntong-hininga ako at sinarado
ang laptop, "Tama na nga. Parang di
ka naman masaya sa mga nakikita mo
e,"
Pinanood ko lang siyang umiyak kasi
wala akong maisip na paraan para
macomfort siya.
Narinig ko siyang nagsalita habang
umiiyak. "Tama ka nga sa sinabi mo
kanina. Useless nga ang
pagpapakamatay ko,"
Nagulat ako sa sinabi niya, "'Wag mo
nang isipin 'yun. Look, you made it.
Nagsisi na siya and that's what you
aim for di ba? Ano pang iniiyak-iyak
mo? Dapat nga e masaya ka at
nagcecelebrate,"
Nagpatuloy pa rin siya sa pag-iyak,
"No, mali ka. That's not the reason.
You know what, after I read the post,
nagkaroon bigla ng kirot sa
damdamin ko. I mean, nasaktan ako.
Alam mo kung bakit? Kasi saka lang
niya narealize ang kamalian niya after
I commit suicide. Saka lang siya
nagsisi gayong wala na ako. Ang sama
niya sobra. Kung totoo ngang di niya
ginusto itong nangyari, e di sana
noon pa siya nag-apology sa akin.
Nagsisisi talaga ako, tama ka wala
nga akong napala. Nagsuicide ako to
free myself from problems pero heto
umiiyak pa rin ako,"
"Kung ganon. E di sana hinintay mo
nalang 'yung apology niya nung
nabubuhay ka pa. Ganyan naman
talaga ang tao e, matagal pa bago
maabsorb at maprocess sa utak niya
ang kamalian sa ginawa niya. Kaya
ikaw na nasaktan, dapat mataas ang
pasensya mo pero siyempre dapat
gumawa ka rin ng paraan to make
her realize the error of her ways.
Pero tapos na e, wala na tayong
magagawa,"
Lalo lang siyang humagulgol.
Napakamot ako sa ulo ko dahil sa
tingin ko di naman gumaan loob niya
sa mga sinabi ko. Hindi lang talaga
ako sanay na may umiiyak sa harapan
ko.
"Uy, ano ka ba? Kahit umiyak ka pa
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Fiksi Remajapaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.