Kinabukasan, naalimpungatan ako
kasi naramdaman kong parang may
malamig na bagay malapit sa may
paanan ko. Minulat ko ang mga mata
ko at bumungad sa akin si Shan na
nakaupo sa dulo ng kama. Teka, tama
bang tawagin ko siya sa pangalan
niya? Anyway, wala namang masama
kasi minsan na rin naman niya ako
tinawag sa pangalan ko.
Bigla siyang tumayo at lumapit sa
akin nang mapansing gising na ako.
Ngumiti siya pero tinaasan ko lang
siya ng kilay.
Nagstretch ako sabay hikab, "Anong
nginiti ngiti mo diyan? Umalis ka nga
sa harap ko, shuuu!"
Nagtaka ako dahil imbes na mainis
siya sa sinabi ko ay mas lalo pang
lumawak ang ngiti niya sa kanyang
labi.
"Oh my God, Jeth. May good news
ako!" sabi niya sabay tili.
Tinaasan ko siya ng kilay, "Ano
namang paki ko?"
"Eto naman o, masyadong killjoy.
Please bear with me, kahit ngayon
lang. Ang saya saya ko kasi!!!" sabi
niya sabay talon at tili.
"Stop, please! Hindi ako interesado!"
sigaw ko.
"Jeth, malaya na ako! I'm free! Pwede
na akong lumabas ng kwarto! Ang
saya saya ko talaga!"
"Talaga lang ha," sabi ko na may
pagdududa pa sa sinabi niya.
"Yes, hindi ako nagbibiro. Gusto mo
patunayan ko?"
"Sige nga,"
"Okey, manuod ka," sabi niya.
Lumapit siya sa may dingding.
Nagulat ako dahil bigla siyang
lumusot dito at nawala. Seryoso nga
siya at hindi nagbibiro. Isang minuto
ang lumipas, hindi pa rin siya
bumabalik.
"Bulaga!!"
"Waaahh, syet!" sigaw ko bigla.
Nagulat ako nang bigla siyang
lumabas sa dingding na nasa may
headbord ng kama ko. Tawa siyang
ng tawa dahil sa naging reaksyon ko.
Tama bang pagtawanan niya ako ng
ganon?
"Ba't ang bilis mo magulat? Pero
nung tinakot kita, di ka man lang
natakot. Nakakalito talaga ang ugali
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.