Chapter 5-2

156 4 3
                                    

Pero bakit lilipat ka pa? Di ba maayos

na ang lagay mo sa school mo

ngayon? Tsaka, alam mo ba kapag

nagtransfer ka, napakalaking

adjustment ang kailangan mo?"

"Yah, I know. Pero ang gulo mo, you

question me kung ba't hindi ako nag-

enroll sa school mo tapos ngayon

parang bumabaligtad ka yata. Back to

your question. Hmmn, wala lang.

Gusto ko lang talagang lumipat. May

reason ako pero di ko talaga ito

nirerecognize. Ang weird e, kasi

parang di ako satisfied sa mga

tinuturo ng guro sa school ko

ngayon. Parang ganon, ang weird

lang talaga pakinggan. Anyway,

maayos naman at walang magiging

problema kapag lumipat ako.

Nacheck ko na ang prospectus at

masaya ako nang malaman kong

credited lahat ng subjects," sabi niya

sabay ngiti.

Dahil sa ngiti niya, feeling ko para

akong yelo na natutunaw ng mabilis.

"Good for you," tanging nasabi ko.

"Pano, Jeth. Mukhang hanggang dito

nalang yata kami. We promise na

uuwi kami ng maaga kaya di na kami

magtatagal. We'll see each other next

year in school," sabi niya sabay

talikod.

Napansin naming hindi umaalis si

Zidan sa kinatatayuan niya kaya

muling humarap si Tori.

"Kuya, extend my regards to Ate ha,"

sabi niya kaya nagkatinginan kami ni

Tori.

Sa hindi namin alam na dahilan, bigla

kaming sumabog sa tawa. Kumunot

ang noo ni Zidan pero agad naman

siyang pinakalma ni Tori.

"Sige Zidan, Kuya Jeth will extend

your regards to your imaginary Ate,"

sabi ni Tori kaya napasimangot si

Zidan.

Hinila na siya ni Tori at naglakad na

sila palayo. Pinagmasdan ko sila

hanggang sa maglaho sila sa paningin

ko

Tulala ako sa mga sandaling ito.

Iniisip ko pa rin hanggang ngayon si

Tori at ang nararamdaman ko para sa

kanya. Oo, gusto ko siya noon pa.

Aminado ako don. Pero bakit ganito?

Gusto ko siya pero bakit parang may

hinahanap pa rin ako.

Naputol ang pagmumuni-muni ko

nang sumulpot sa harap ko si Shan.

Una kong napansin ang simangot

niya. Bukod don, masama din ang

tingin niya sa akin.

"Bakit ganyan ka kung makatitig?"

pasarcastic kong tinanong.

"Ang sama mo. Di mo man lang

naisip kanina na nandito pa ako.

Kung makapag-usap kayo parang

nalimutan mo na kanina yung

pangako mo na sasamahan mo 'kong

mag-ikot ikot dito. Ayoko na talaga!

Diyan ka na nga," sabi niya at bigla

siyang naglaho.

Nagkibit balikat nalang ako kasi

parang biglaan ang nangyari. Galit ba

talaga siya? Hindi ko matantya kung

anong kinagalit niya. Yun bang

pagdedma ko sa kanya o dahil kay

Tori?

Kinabit ko ang headset sa

magkabilang tenga ko, "Shan, wag ka

ngang OA. Nagkataon lang na nagkita

kami. Alangan namang di ko siya

pansinin, ang rude kaya no? To think

na naging batch mate pa kami nung

high school. I swear ganon din

gagawin mo kapag ikaw ang nasa

lagay ko. Errr, magpakita ka nga!

Hindi tayo naglalaro ng tagu-taguan!"

sabi ko.

Nagpakita nga siya ulit sa akin,

"Galit ako sa 'yo simula pa kanina.

Gusto mo bang mapatawad kita?"

Tinaasan ko siya ng kilay, "Sige,

sabihin mo nang matapos na 'to!"

"Mapapatawad kita kapag sinamahan

mo ko this time,"

"Kung ganon lang naman pala kadali,

walang problema. O pano, saan ba

ang sunod na punta natin?"

"Sa bahay namin,"

--- END OF CHAPTER 5 ---

Suicide letterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon