Chapter 9-2

123 3 0
                                    

Natauhan ang dalaga at napahiya

nang marealize na kanina pa siya

nakatitig kay Jeth. Di niya maiwasang

magtaka sa pinapakitang ugali ng

binata dahil hindi naman ganito ang

nakasanayan niya noon. Ibang-iba

kasi ang hatid ng ngiti nito ngayon

kumpara sa ngiti niya noon.

"Hala, bakit mo pinitas? Kawawa

naman yung bulaklak," sabi ni Shan

sa malungkot na boses.

Tumaas ang kilay ng binata. "Akala ko

ba gusto mo nito?"

"E sira ka rin pala no? Sinabi ko ba

yun? Tsaka mag-isip ka nga, anong

silbi niyan kung di ko naman ito

pwedeng hawakan? Sana naman

nagkaroon ka man lang ng konting

awa. Hinayaan mo nalang sanang

mabuhay 'yan kasama yung ibang

flowers dito. Kawawa tuloy yung

tulip, para mo nang pinatay,"

pagdadrama ni Shan.

May punto si Shan pero napakamot

ng ulo si Jeth dahil parang sobra

naman yata ang pinapakita niyang

simpatya sa kalikasan ngayon. Pero sa

huli, naisipan niyang sakyan nalang

ang pagdadrama ng dalaga.

"Pakiabot nalang ng sorry ko sa mga

kasama niyang bulaklak," sabi ni Jeth.

"Wala na, pinatay mo na e,"

Tinaas ng binata ang dalawang kamay

niya. "Guilty na po madam. Tanggap

ko na ang pagkakakulong ko,"

"Wag na, pardoned ka na,"

"Ha? Ang bilis naman ata?"

"Tama na. Mukha kasing nasisiraan

ka na ng bait,"

Nilagay ni Jeth ang bulaklak sa likod

na bulsa niya at naupo sa tabi ng

dalaga.

Nanigas ang si Shan at sa mga

sandaling ito di niya alam kung

anong gagawin niya. Parati naman

niyang nakakasama ang binata pero

parang iba yata ang pakiramdam niya

ngayon.

Nakita niyang kinuha ng binata ang

bulaklak sa kanyang bulsa. Akala niya

ay ibibigay ito ni Jeth sa kanya pero

napahiya siya nang makitang nilagay

lang pala niya ito sa likod ng kanyang

tenga.

Natawa naman ng sobra ang dalaga

dahil sa nakita niya, "O bakit?"

tanong ng binata.

Suicide letterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon