Chapter 10: Close To Reality

110 3 0
                                    

[Author's Point Of View]

Kinabukasan, madaling araw nang

naalimpungatan si Jeth. Wala pang

alas sais ay nagising na siya.

Naninibago siya dahil wala si Shan sa

kwarto sa mga oras na 'to.

Nakasanayan kasi niya dati na sa

tuwing gumigising siya ay ang dalaga

ang una niyang nasisilayan.

Humikab siya at nagstretch ng

katawan. Inaantok pa rin siya pero

alam niyang di na niya ulit makukuha

ang tulog niya kapag pumikit uli siya

kaya naisipan niyang bumangon

nalang at magligpit ng higaan.

Pagbaba ng binata, dumiretso siya sa

may kusina. Laking gulat niya nang

makita si Shan na ngayo'y hindi na

multo. Buhay na buhay talaga ang

dalaga. Sa katunayan, nagluluto pa

nga ito ng ulam sa kusina.

"Bakit?" tanong ng dalaga sabay

bigay ng matamis na ngiti.

Hindi nakagalaw ang binata. Natulala

siya nang makita ang dalaga. Pero

may ibang pakiramdam na di

maipaliwanag sa loob niya. Marahil

ay labis lang siyang naantig sa aking

ganda ng dalaga.

Nakasuot si Shan ng pambahay na

damit na di kagaya ng suot niya

noong siya pa ay multo. Kahit

papano, lumilitaw pa rin naman ang

ganda niya.

Kumurap ang binata at sinampal ng

mahina ang magkabila niyang pisngi,

"I-ikaw ba 'yan Shan? Pero anong

nangyari? Ba't buhay ka?" hindi

makapaniwalang tanong ni Jeth.

Nilapat ni Shan sa mesa ang chopping

knife at nagpunas ng mga kamay

pagkatapos ay lumapit sa binata.

Hindi nakakilos ang binata at tila

naparalisa siya nang humarap ang

dalaga sa kanya.

Hinawakan ni Shan ang mga kamay ni

Jeth at hinila palabas ng apartment.

Nabigla naman ang binata sa ginawa

ng dalaga.

"Halika, don tayo sa may veranda.

Ipapaliwanag ko sa 'yo ang lahat,"

Walang nagawa ang binata kundi

sumunod sa dalaga. Hinila siya ni

Shan hanggang sa may veranda.

Suicide letterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon