Chapter 12-2

111 5 7
                                    

Biglang yumakap si Zidan sa binti ng Ate niya. Hinaplos naman ng marahan ni Tori ang buhok ng bata para pakalmahin ito.

Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko para di kami makapasok ng mall. Baka makita ulit namin yung lalaki kanina. Lagot na. Kaya heto kami ngayon kumakain sa restaurant na nasa labas ng mall.

Pagkatapos maserve ng pagkain, biglang nagsalita si Tori.

"Jeth, may aaminin sana ako sa 'yo."

"Ano yun?"

"Promise me na hindi mo ito ipagsasabi sa iba."

"Promise!" sabi ko sabay taas ng right hand ko at natawa silang dalawa sa ginawa ko.

Nagkaroon ng katahimikan sa table namin. Nakatingin si Tori sa kawalan at di ko matantya sa mukha niya ang gusto niyang ipahiwatig.

Nainip ako kakahintay sa sasabihin niya, kaya ako na mismo nagtanong sa kanya.

"Ano yun Tori?"

Tumingin siya sa mga mata ko. "Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako." 

"Don't worry, hindi kita pagtatawanan kung anuman iyon. Open minded naman ako."

"Ang sama mo naman. Seryoso 'tong sasabihin ko."

"Sorry. Ano nga 'yon? Kung may problema ka, tama lang na ako ang pagsabihan mo niyan. Anyway, kung anuman 'yan, handa akong makinig."

"Sa tingin ko, ito na yata ang tamang panahon para sabihin ito sa 'yo. Sawa na ako sa pagpapanggap. We do share the same vision, Jeth. About supernatural things."

"Ha!?!" 

Muntik na akong mabilaukan sa sinabi niya. Napansin kong tumawa si Zidan dahil sa naging reaksyon ko.

"Nasan 'yong babaeng multo? Bakit di mo siya kasama?"

Halos malaglag ako sa uinuupuan ko matapos marinig ang sinabi niya.

"Sinabi ko ito sa 'yo kasi napansin ko lagi tayong nagkikita. At very awkward kung may tinatago akong sekreto, kami ni Zidan. Sawa na din ako sa pagpapalusot kapag may sinabi si Zidan tungkol sa babaeng multong kasama mo," sabi ni Tori sabay tingin sa bata na payapang kumakain habang nakikinig sa usapan namin.

"On the first place palang, naghinala nga rin ako sa 'yo. Panay kasi ang takip ng bibig mo sa bata sa tuwing may sinasabi itong tungkol sa multo. Pero Tori alam mo, natutuwa ako't sinabi mo ito. Alam ko na sa una pa na may vision nga si Zidan sa mga multo. Akala ko kami lang dalawa ang ganito," sabi ko. 

"Hindi mo naman sinagot 'yong una kong tanong?"

"Alin don?"

Napakamot ng ulo si Tori. "Nasan 'yong multong kasama mo? Nakakapagtaka kasi di mo yata siya kasama ngayon." 

Hindi ako kumibo. Hindi ko siya sinagot sa halip ay sumubo nalang ako ng pagkain. Marahil alam na niya itong nararamdaman ko ngayon. Nagkaroon ulit ng katahimikan sa table. Ilang saglit lang ay bigla siyang nagsalita.

"Pano kayo nagkakilala?"

Huminto ako sa pagsubo pagkatapos ay tumingin sa kanya sabay hinga ng malalim.

Kinuwento ko sa kanya ang lahat tutal alam na naman niya ang lahat. Ngunit iilan lang ang ikinuwento sa kanya at medyo hinahaluan ko na rin ng kasinungalingan.

Pero sa totoo lang, parang gumaan ang pakiramdam ko nang malamang pareho pala kami ni Tori. Sa tingin ko, makakatulong siya dito sa problema ko ngayon.

"So, nahulog na ang loob mo sa kanya, right?"

Ayoko talagang aminin ito sa kanya, to think na may gusto pa naman ako sa kanya noon.

"Mahirap na ngang mahulog ang loob ko sa buhay na tao, pano pa kaya sa multo?" sabi ko.

"Alam ko. Pero di rin naman malayong mangyari. Look, madalas mo siyang kasama. Hindi lang madalas, palagi talaga."

Ewan ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit tinatanong niya ang mga bagay na 'to.

"May punto ka nga, pero hindi naman ganon kadali iyon. Basta, imposible talaga 'yang mga sinasabi mo."

"So, nasan siya ngayon? Ba't di mo kasama? Kanina pa kita tinatanong, dinededma mo naman."

"I don't know,"

Tiningnan niya ako na may pagtataka pa sa mukha. "Huh?" 

"That's my problem. Hindi ko alam kung nasan siya ngayon. Pero Tori, ngayong inamin mo nang pareho tayong nakakita ng mga multo, gusto ko sanang humingi sa 'yo ng pabor."

"Of course naman. Ano yun?" sabi niya sabay ngiti.

Lumunok muna ako ng laway. "Matutulungan mo ba akong hanapin siya?" seryoso kong tinanong sa kanya.

Halata sa mukha niya na nagulat siya sa mga sinabi ko.

Nahimasmasan naman siya, "Ye-ye-yes, oo naman."

"Ako din, kuya," biglang sabat ni Zidan.

"Teka, teka. Anong dahilan ng biglaang pagkawala niya?"

"Lumipat ako ng apartment nitong huling araw lang. Kaninang umaga, dumalaw ako sa previous apartment ko at ayon nga, wala na siya."

"Pero pano natin sisimulan?" tanong ko.

Natahimik kami pareho. 

"Do you think nandito pa siya sa mundo natin right now?"

Bigla akong nasaktan sa tanong niya. Hindi nga malayong mangyari ang ibig niyang sabihin.

"Yah, tama ka." sabi ko sa malungkot na boses.

"Pero alam mo, di talaga kita makuha. Kung wala ka talagang gusto sa kanya e dapat balewala lang sa 'yo yung pagkawala niya. Alin ba talagang totoo?"

"Siguro, I have to move on nalang," sabi ko at napatigil bigla nang mapagtantong nadulas ako.

Nagkabanggaan ang tingin namin at gulat na gulat na nakatitig sa isa't isa. Sa lahat ba talaga ng pagkakataon ay ngayon pa talaga ako nadulas. Pati si Zidan ay nagulat din sa sinabi ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Nabuking na ako.

Nagkaroon ng katahimikan sa table namin. Tinungo ko nalang ang ulo ko. Nahihiya na akong humarap sa kanya.

Bigla nalang nagsalita si Tori. "Kung ganon, e di I have to move on, too. Alam ko you have strong feelings for her," sabi niya bigla kaya napaangat ang ulo ko ng di oras dahil sa gulat. 

Nakita kong napanganga si Zidan sa sinabi ng Ate niya. Alam kong naiintindihan niya ang sitwasyon namin.

Nagkatitigan kami pagkatapos ay nginitian niya ako, yung matamlay na ngiti.

Tinapos ko na ang usapan namin ni Tori at nauna na akong umuwi. Inalok pa niya akong sumabay sa kanila, pero tinanggihan ko. Ayoko na ulit siyang makita. Nalilito talaga ako sa mga oras na ito

Dumiretso ako ng kwarto ko at binuksan ko ang laptop ko. Sa sobrang pagkadesperado ko, nagsearch ako ng tungkol sa ouija board at spirit of the glass. Alam kong kabaliwan itong ginagawa ko, pero malay natin baka makatulong ito.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin. Dulot lang siguro ito ng labis na pag-iisip kay Shan. Kusang gumalaw ang katawan ko at sinunod lahat ng nakasaad sa instruction ng nabasa kong article sa internet.

Hating gabi na nang matapos ko ang lahat. Naiinip na ako. Dahil sa isang multo, gumagawa ako ng isang kabaliwan ngayon.

Pinatay ko na ang ilaw. Pinakiramdaman ko ang buong paligid. Naupo ako sa kama at huminga ng malalim. Ilang minuto din akong nanatili sa ganong posisyon.

Natinag lang ako nang may makita akong parang bumabakat na anino sa pinakamadilim na sulok ng aking kwarto. Hanep, di ko pa nga sinisimulan, dumating na agad.

Ngunit nagkamali pala ako. Dahan-dahan nagkakaroon ng hugis ang misteryong bagay sa may sulok ng kwarto ko. Napalunok ako ng laway nang maghugis tao ito.

Napaatras ako. Atras ako ng atras hanggang sa dumikit na ako sa pader. Kumurap ako. Pano nakarating dito ang mokong?

"Siyet, sino ka ba talaga ha?"

--- END OF CHAPTER 12 --- 

Suicide letterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon