"Mahirap ba yung pinapahula ko o
sadyang di ka lang talaga marunong
manghula? Anyway, the one na may
red roof. 'Yan yung bahay namin,
ngayon alam mo na,"
"Anong gagawin natin ngayon? Tatayo
na nalang ba tayo dito at maghihintay
na sumapit ang pasko?" pasarcastic
kong tinanong.
"Ano pa nga ba e di magdoorbell ka,"
nakapamewang niyang sinabi.
"Haaah? E kung gamitin mo nalang
kaya yung ability mo na magpalusot-
lusot sa mga walls?"
"Nagagamit ko lang ang ability na yun
kapag nasa kwarto ako. Hindi ko
talaga alam kung bakit. Siguro kasi
don ako nakulong for almost one
year,"
"Talaga lang ha. So, di talaga ikaw
yung nasa banyo kanina?"
Nagulat siya sa sinabi ko, "Haaah!!?
Anong pinagsasabi mo? Ang kapal mo
din, ano? Anong akala mo sakin?
Duh, di ko gawain yun no,"
"Hmmn, parang guilty ka yata.
Aminin mo na kasi. Maiintindihan ko
naman kung ba't mo yun ginagawa,"
sabi ko sabay ngisi.
"Ang daldal mo. Anong oras na ba?"
"Aba, malay ko ba. Wala naman
akong relo at hindi nakaset ang
orasan ng cellphone ko. Pero ikaw
ha, nakakahalata na ako sa 'yo kasi
bigla kang lumiko sa usapan," tukso
ko.
"Shut up!"
"Ikaw yun no?" pangungulit ko.
"Pwede ba tigilan mo nang
kababanggit sa isyung 'yan! Ano bang
pinuntahan natin dito. Kahit kailan
wala ka talagang kwentang kasama,"
"Sige na nga, titigil na. So, di ba sabi
mo kanina magdodoor bell ako? Ano
namang sasabihin ko kapag may
nagbukas?"
"Depende sa kung sino ang
magbubukas,"
"Sige, give me a short briefing muna
para naman di ako magmukhang
tanga kapag nakaharap ko ang either
isang member sa family mo,"
"Ganito lang 'yan kasimple. Kapag
maid ang nagbukas, obviously
sasabihin mo na may sadya ka sa
parents ko. Kapag si Ate naman ang
nagbukas, magkunwari kang kaibigan
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.