Chapter 1-2

181 2 1
                                    

bigla niyang sinabi.

Napamulat ako, "Ano naman

ngayon?" tanong ko.

"Wala. Gusto ko lang sana iopen

'yung fb account ko. Gusto ko makita

reactions nila after what I did," sabi

niya habang nakalagay pa rin sa noo

ko 'yung mga kamay niya.

"Sorry, ghost are not allowed to use.

Pero in fairness ha, ang sarap nitong

ghost therapy mo,"

Nakita ko siyang sumimangot tapos

inalis bigla ang mga kamay niya sa

noo ko.

"Tama na nga. Tinitake advantage mo

na yata ang pagiging multo ko,"

"Wala akong sinabing ganon ah,"

Sumimangot siya, "Hmp, di porket

mumu ako uutos utusan mo na ako

ng ganon kadali. How dare you?

Tsaka remember na utang na loob

mo sa akin ang pagtira mo dito sa

kwarto ko kaya ikaw dapat ang

inuutusan ko,"

"Anong utang loob? Pano naman ako

magkakautang na loob sa 'yo. Haiyts,

choice mo magsuicide di ba? So,

kung di mo pa sana ginawa 'yun

marahil buhay ka pa rin ngayon at sa

'yo pa rin sana 'tong kwartong 'to,"

natahimik siya bigla dahil sa mga

sinabi ko. "Usually, ganyan napapala

ng mga taong mahihina ang loob na

kagaya mo. Look, ano natamo mo?

Wala di ba? Pero anong nawala sa

'yo? Lahat di ba?" dagdag ko.

Lalo siyang sumimangot tapos

tumingin sa mga mata ko. "Kagaya ng

sinabi mo, oo choice ko nga

magpakamatay. Kaya ko lang naman

nagawa 'yun kasi the burdens are too

heavy already, di ko na kinaya and to

make things worst, wala man lang ni

isang umunawa sa sitwasyon ko that

time kaya later on it came to the to

point na nagblacken na 'yung mind

ko at naisip ko ang bagay na 'yun,"

paliwanag niya.

"So, what's the sense of commiting

suicide? Gusto mong maunawaan ka

ng lahat? Yes, naunawaan ka nga nila.

Pero anong kapalit, buhay mo di ba?

It's useless talaga kung 'yun lang ang

habol mo kasi pano mo

maaappreciate ang mga apologies at

unawa nila kung patay ka na? You get

my point, right? Tapos at the end

magsisisi rin pala. Alam mo, hindi

excuse ang mga personal reasons

para sabihing tanga ka't nagawa mo

'yun. Di mo kayang aminin kasi the

pride follows tapos sinisingit mo

palagi 'yung mga personal reasons

mo where in fact kung pag-iisipan

mo ng maigi ang lahat ng ito,

lumalabas lang na tanga ka nga. So

the question is, saan mo ba talaga

hinugot 'yang katangahan mo?"

Nakita kong nagsara ang mga palad

niya tapos tumingin sa akin ng

masama, "Ang sakit mo naman

magsalita. Ano bang alam mo sa

buhay ko ha?"

Nagulat ako nung biglang tumulo ang

mga luha niya. Unti-unti siyang

naglaho at di nagtagal tuluyan na nga

siyang nawala.

Sinandal kong muli ang ulo ko sa

headboard ng kama. Sa mga

sandaling ito, naririnig ko pa rin sa

mga tenga ko 'yung mga huli niyang

sinabi. Di ko tuloy makuha ang tulog

ko. Parang nagiguilty ako sa mga

sinabi ko sa kanya kanina.

--- END OF CHAPTER 1 ---

Suicide letterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon