[Author's Point Of View]
Palubog na ang araw at oras na para
sa dismissal ng binata. Palabas na
siya ng skwelahan nang may tumawag
sa kanya.
"Jeth!" sigaw ng boses.
Lumingon agad ang binata sa likod at
laking tuwa niya nang makita si Tori.
Gumuhit ang ngiti sa kanyang labi
nang makitang patungo ito sa
kinaroroonan niya ngayon. Hindi
mapakali ang binata at di niya alam
kung anong gagawin niya.
"Jeth, sabay na tayo," sabi ng dalaga.
Halos mahimatay ang binata sa
binitawang matamis na ngiti ang
dalaga. Gaya ng dati, wala pa rin
pinagkaiba ang ugali at kinikilos niya
sa tuwing nakikita niya ang dalaga.
Hindi pa rin niya kayang tingnan sa
mga mata nito si Tori.
"Tori, anong ginagawa mo dito? Di ba
may klase ka sa school mo ngayon?"
tanong ng binata.
Kausap niya ang dalaga pero mga
mata niya'y hindi naman sa kanya
nakatuon. Sa itsura ni Tori ngayon,
parang nakakahalata na siya sa mga
kinikilos ng binata.
"Nagcheck lang ako ng prospectus
dito. Excited na talaga akong lumipat
dito, Jeth. How I wish na matapos na
ang sem na 'to," sabi ng dalaga sabay
gigil.
Hindi alam ng dalawa na habang
naglalakad sila, ay may nagmamasid
sa kanila sa may di kalayuan.
"Ganon ba. Good for you," tanging
nasabi ng binata.
Diretso pa rin ang tingin niya. Hindi
nagtagal, di na ito natiis ng dalaga
kaya agad niyang tinanong ang
binata. Nakakahiya man sa parte ng
dalaga, pero lakas loob pa rin siyang
gumawa ng paraan.
"Bakit di ka makatingin sa akin? May
problema ba?"
Tumingin ang binata sa mga mata ng
dalaga. Pinangunahan agad siya ng
takot kaya wala pang limang sigundo
napalihis siya ng tingin.
Napangiti nalang ang dalaga sa inasta
ng binata. Sa loob niya'y kinikilig na
siya at alam niya kung anong ibig
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.