"Sorry bro, wala ako sa condition
para maglaro. May problema pa
ako,"
"Ano yun? Baka makatulong ako?"
"Naghahanap ako ng bagong
mauupahan kaso parang minamalas
yata ako. May alam ka ba?"
"Mabuti't tinanong mo 'yan. Doon
kasi sa inuupahan ko, I think may
one vacant room pa."
"Malayo ba yun mula dito?"
"Hindi. Malapit lang yun. Hindi yun
nag-aadvertise kasi kusa na lumalapit
ang mga nagrerent don. Ano, game
ka?"
"Sige, pero saka na ako magdidecide
kapag nandon na tayo. Tingnan ko
muna kung anong itsura niyan,"
"Huwag kang mag-alala bro. Maganda
don at tsaka nature lover yung may-
ari."
Sumakay kami ng taxi. Kanya-kanya
kami sa pagbayad ng pamasahe.
Pagbaba namin, nagulat ako kasi
parang pamilyar ang lugar na ito.
Hindi siya pamilyar, kundi ito talaga
yun!
"Bro, sakay tayo ng tricycle.
Mukhang mabigat 'yang mga dala
mo,"
Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi
niya. "Hindi ba yan yung tinutukoy
mo?" sabi ko sabay turo sa dating
apartment na inupahan ko.
"Hindi 'yan. Huwag ka diyan. May
rumors kasi na maraming
nagmumulto sa apartment na 'yan.
Lalo na daw don sa kwarto sa second
floor,"
"Saan naman galing yang rumor na
'yan?"
"Wala. May kaibigan kasi ako na
nagrent diyan. Kinuwento niya sa 'kin
ang lahat. The first day, nagandahan
daw siya pero the next day naisipan
niya umalis kasi iba daw ang ihip ng
hangin tuwing gabi. At sa mismong
gabing yun, sobrang sama daw ng
panaginip niya. Tara na bro, kung
ayaw mong maunahan ng iba,
ahehe."
Ilang minuto ang lumipas, nandito na
kami sa apartment na tinutukoy ni
Archie. Nakakagulat talaga kasi
medyo malapit lang ito sa dati kong
inuupahan.
"Pare naman. Ba't pa tayo ng
![](https://img.wattpad.com/cover/4020412-288-k904797.jpg)
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.