Nilipat ko ang tingin ko sa lalaki.
Huminto siya sa paglalakad nang
mapansin ako. Tiningnan niya ako
mula ulo hanggang paa sabay titig sa
akin.
"Who are you?"
Sa mga sandaling ito, di ko alam
kung sasagutin ko ba siya o sasapakin
sa mukha. Hindi ko kasi nagustuhan
ang pagtitig niya sa akin. Kung
makatitig kasi siya parang may
malaking utang ako sa kanya.
Nilapitan ko agad siya pero siyempre
nanatili pa ring kalmado ang mga
galaw ko.
"Ahm, excuse me. Itatanong ko lang
sana kung sa'n yung mga nakatira
diyan," sabi ko sabay turo sa bahay
nina Shan.
Nagulat ako nang bigla siyang
ngumiti. At the same time, nagbago
din ang facial expression niya. Kung
kanina, galit na galit ang itsura niya
ngayon nama'y mukhang masayahin
na.
Tumawa siya tapos tinapik tapik ako
sa balikat. Aba loko 'to ah. Wala ako
sa mood para makipagbiruan sa
kanya. Susumbat na sana ako kaso
bigla siyang nagsalita.
"Nagbibiro lang ako, pre. Ah by the
way, hinahanap mo siguro si Mr.
Villamonte, no?" tanong niya.
Pasimple akong sumulyap kay Shan
na nasa may di kalayuan. Hihingi
sana ako ng tulong sa kanya, pero
hindi naman niya napansin ang
pagsulyap ko. Nakatingin kasi siya sa
malayo at parang may malalim siyang
iniisip. Nagtaka ako ng sobra dahil
ugali na niyang makiusyuso kapag
may kausap ako. Pero ngayon,
naninibago ako kasi di man lang siya
lumapit sa akin.
"Oo, tama ka," napilitan ako na
sagutin yung tanong ng lalaki.
"Sad to say, si Mr. Villamonte ay
naconfine sa ospital. By the way,
anong kailangan mo sa kanya?"
Di ko alam kung anong isasagot ko.
Muli akong sumulyap kay Shan, pero
ganon pa rin ang nakita kong itsura
niya. Mapipilitan na naman ako sa
pagsagot sa tanong ng lalaki. Bahala
na.
"Ah. Isa akong journalist at
nagtatrabaho sa isang pagawaan ng
![](https://img.wattpad.com/cover/4020412-288-k904797.jpg)
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.