Bandang alas otso nang huminto sa
harap ng skwelahan ang sinasakyan
ng binata. Late na siya ng twenty
minutes kaya dali-dali siyang bumaba
para habulin ang first class niya.
Napamura nalang siya ng madatnang
nagqiquiz ang buong klase. Pagalit na
inabot ng instructor ang test paper
kay Jeth at naupo siya sa may
likurang bahagi ng silid.
Napakamot ng ulo ang binata dahil
kung di lang sana sila gumala ni Shan
kahapon, malamang may sagot sana
siya. Tanging stock knowledge nalang
ang natitira niyang pag-asa sa
ngayon.
"Kailangan mo ba ng tulong?" sabi ng
isang pamilyar na boses at narinig pa
niya itong tumili.
Inangat ng binata ang ulo niya sabay
na pinakiramdaman ang paligid.
Napakamot siya ng ulo dahil marahil
nagdidiliryo lang siya at posibleng
guni-guni lang niya ang lahat ng
narinig niya.
"Kailangan mo ng tulong, right?
"
Inangat muli ng binata ang ulo niya
sabay lapag ng bolpen sa arm chair
niya.
"Shan!?"
Naagaw niya ang atensyon ng lahat
pati na rin ng kanilang instructor.
Napatakip agad siya ng bibig at
hiyang-hiya siya sa sarili niya sa mga
sandaling ito.
"What is that Mr. Ricafuente?"
tanong ng instructor.
Hindi niya sinagot ang instructor sa
halip ay pinulot nalang niya ang
bolpen niya at nagkunwaring may
sinusulat sa test paper niya. Hindi na
niya inisip kung naging bastos man
siya o hindi sa paningin ng
instructor, ang iniisip niya ngayon ay
kung pano masagutan ang mga
tanong sa test paper niyang kanina
pa niya tinititigan.
Muli siyang nakarinig ng bulong at
dito niya nakumpirma na si Shan nga
itong nagsasalita.
"Jeth, keep quiet and behave. Baka
maconfiscate 'yang paper mo. Si
Shan 'to at I'm here to save you,"
sabi ni Shan sabay tili.
Sumilip si Shan sa answer keys ng
instructor. Wala pang isang minuto,
![](https://img.wattpad.com/cover/4020412-288-k904797.jpg)
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.