"Teka, bakit mo nga pala alam ang
tungkol diyan?" sabi ng binata sabay
himas sa baba niya.
"Madalas akong dumalaw sa
panaginip ng mga taong malakas ang
loob na magrent ng kwarto ko."
"At isa sa kanila'y nagising dahil sa
sobrang kilig??"
"Ganon na nga,"
"E ano bang nangyari sa panaginip
niya at kinilig siya ng sobra?"
"Gusto mo bang ikwento ko sa 'yo?
Tingin ko, di ka naman maniniwala
e."
"Sige lang, ikwento mo lang,"
"Nagpanggap akong lalaki sa
panaginip niya. On the first place,
plano ko talaga siyang takutin pero
hindi ganon ang nangyari. Nung
lumapit ako sa kanya, nagulat ako
nung tumili siya at ayon nagising
nga,"
"Ibig sabihin, babae yung nagrent
that time."
"Ganon na nga. May lalaki bang
kinikilig sa kapwa niya lalaki?"
pasarcastic na sinabi ng dalaga.
Tumawa naman ang binata, "Ano
naman kayang itsura mo kapag
naging lalaki ka?" tanong ng binata at
muling tumawa.
"Gusto mong makita?"
"Ay naku, huwag na. Ayokong maturn
off sa 'yo," sabi ng binata.
Natauhan ang binata sa sinabi niya.
Ilang sigundo ring siyang hindi
nakakilos nang marealize na nadulas
ang dila niya.
Nagkunwari agad ang dalaga na hindi
narinig ng maayos ang sinabi ng
binata. "Teka, anong sinabi mo?" sabi
niya sabay taas ng kilay.
Hindi ito sinagot ng binata sa halip
ay iniba niya ang usapan. "Ah wala.
Tara, lakad tayo," sabi niya sabay
baba ng railings.
Nalilito ngayon si Shan kung papayag
ba siya sa alok ni Jeth. Hindi pa rin
kasi siya makaget over sa sinabi ng
binata kanina. Parang nabuhayan siya
ng loob dahil don. Sa isip niya, may
chance nga na magkagusto din sa
kanya ang binata.
"Okey ka lang? Kanina ka pa tulala?"
tanong ng binata.
Natauhan ang dalaga. Hiyang hiya
siya sa sarili niya nang marealize
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.