Kinaumagahan, wala pang alas sais,
nagising na ako. Buti nalang wala si
Shan sa kwarto. Sa totoo lang, ayoko
ko siyang makita. Pagkatapos nung
nangyari sa amin sa panaginip. Oo,
nahihiya talaga ako sa kanya kasi
kahit panaginip lang ang lahat, alam
kong alam niya ang mga nangyari
dito.
Sumilip ako sa bintana at don ko siya
nakita sa may bakuran na
nakatunganga malapit sa
orchidarium. Naisip ko na naman ang
magandang panaginip kagabi. Iba
talaga ang hatid nito sa akin. Hindi
ko talaga mafigure out kung bakit at
kung pano ako nagkaroon ng
ganitong pakiramdam, malamang
napaparanoid lang siguro ako.
May bigla akong naalala kaya agad
kong sinarado ang jalousie. Kinuha
ko ang laptop ko at nagbrowse sa
facebook. May nakita akong new
message. Hindi ko pa nakiclick, alam
ko na kung kanino ito galing. Mula
kay Aisha Villamonte, step-sister ni
Shan. Binuksan ko ang message niya
na ayon dito ay kagabi pa ito
naipadala. Nakita kong wala itong
ibang laman maliban sa nakaattached
na PDF file. Niclick ko ito at mabilis
na nadownload ang file.
Napahinto ako sandali. May kutob
ako na parang may hindi maganda sa
nilalaman nito. Ngunit dahil sa
curious ako, binuksan ko na ito.
Isang pahina lang ng diyaryo. May
mga nakasulat na articles. Isa don
ang nakatawag sa pansin ko. Ito na
nga ang pakay ko.
Binasa ko ito ng maigi. Sa isip ko,
parang ayaw ko talaga maniwala pero
habang sinasambit ko ang bawat
salita ng artikulo, parang unti-unti
kong napapagtanto ang ibig sabihin
ng lahat.
Hindi na ko alam kung ano itong
nararamdaman ko ngayon.
Pagkatapos kong mabasa ang buong
article parang wala naman akong
naramdaman na galit. Walang galit,
kundi puro kalungkutan.
Dahil offline si Aisha Villamonte, nag-
iwan nalang ako ng mensahe. Agad
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teenfikcepaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.