[Author's Point Of View]
Bandang alas kwarto ng hapon nang
matapos ang klase nina Jeth sa
Workshop Theory. Diretso siyang
umuwi ng apartment dahil hindi
maganda ang pakiramdam niya sa
mga oras na ito.
Bakas sa mukha niya ang
kalungkutan. Naninibago din siya
dahil sa araw na 'to hindi siya
sinamhan ni Shan sa skwelahan.
Madalas siya magpunta ng park
tuwing uwian pero himala at
pinagpaliban niya ito sa araw na ito.
Ayon sa kanya, parang may kulang at
hindi maganda sa araw niya ngayon
at sa tingin niya may kinalaman nga
ito kay Shan.
Binuksan niya ang gate at bumungad
sa kanya si Shan na nasa may
bakuran. Nakaupo siya sa bermuda
grass na nasa tapat ng veranda
habang naaliw niya ang kanyang sarili
sa naggagandahang mga bulaklak na
pag-aari ng landlady ng compound.
Napangiti ang binata ng sobra nang
makita ang dalaga. Sa hindi niya alam
na dahilan, napawi ang kanyang pag-
aalala at biglang nagbago ang
kanyang pakiramdam.
Hindi napansin ng dalaga ang
pagpasok ng binata. Naglalaro ang
kanyang isip sa mga sandaling ito.
Simula kanina, wala na siyang ibang
ginawa kundi ang maupo sa bermuda
grass habang minamasdan ang mga
bulaklak na sumasayaw sa tuwing
umiihip ng malakas ang hangin.
Minsan din kinakausap niya ang
kanyang sarili na parang baliw. Pero
sa isip niya, mas mabuti na ang
ganito kumpara noong mga panahong
nakakulong pa siya sa sarili niyang
kwarto.
"Bakit ganon? Nalulungkot ako pero
ayaw naman umulan. Ang sama ng
panahon, ayaw makisama," narinig
ng binata na sinabi ng dalaga.
Natawa ang binata sa kanyang isip
matapos marinig ang sinabi ng
dalaga. Hindi kasi niya inaasahan ang
ganitong ugali kay Shan.
Pero kapansin-pansin ang
kalungkutan sa mga mata ng dalaga.
Marahil ay di pa ito nakakarecover sa
mga nangyari nitong huling araw.
Dumaan ang binata sa likuran ng
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.