Chapter 12: Sino Ka Ba Talaga Ha?

98 1 0
                                    

Nakatunganga ako ngayon sa harap ng lamesa. Lumilipad ang isip ko sa mga sandaling ito. Gusto kong malaman ang kalagayan niya ngayon? Kamusta na kaya siya? 

Ngunit iba pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing naiisip ko ang mga isiniwalat ng kapatid niya. Lalo na ang tungkol sa kalagayan ng kanilang ama. Hindi dapat ako nagsinungaling sa kanya noon. Naguguluhan ako at sa parehong pagkakataon ay nakokonsensya ako.

Nakaupo sa tapat ko si Archie na panay ang tingin sa akin. Marahil ay nagtataka siya sa mga kinikilos ko ngayon.

"Bro, may problema ba?" tanong niya sabay higop ng mainit na kape.

Tiningnan ko siya. Nagkaroon ng saglit na katahimikan. "Oo, pero sa tingin ko, hindi mo naman ako matutulungan dito."

"Hindi ba tulong ang tawag mo sa ginawa kong pagdala sa 'yo dito?" tanong niya na may pagtataka pa sa mukha.

"Iba ito bro. Hindi mo maiintindihan kapag kinuwento ko sa 'yo," sabi ko.

Tumayo ako kahit na hindi ko pa nauubos yung laman ng tasa.

"O, saan ka pupunta?"

"Sa kwarto," sabi ko sabay talikod at nagtungo sa kwarto ko.

Nagbihis ako pagkatapos ay lumabas ng apartment. Naglakad-lakad ako sa kalsada. Nakatungo ang ulo ko habang nakapamulsa naman ang mga kamay ko. 

Sumunod na nalaman ko ay nasa harap na pala ako ng dati kong apartment. Ilang minuto rin akong nakatayo sa harap ng gate. Nagdadalawang isip ako kung tutuloy ba ako o hindi.

Huminga ako ng malalim at lumunok ng laway saka binuksan ang gate. Dumaan ako sa bahay nina Aling Eda para humingi ng pahintulot na pumasok sa dati kong kwarto. Nagkunwari ako na may naiwan akong gamit sa loob. Pinayagan naman niya ako.

Pagpasok ko ng kwarto, wala si Shan. Iba talaga ang nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko ang kwartong ito. Hindi naman talaga ako ganito dati. Nakakapanghinayang at sa isang multo pa talaga.

Naupo ako sa kama at tiningnan ang buong silid. Mabuti nalang at walang ibang umupa ng kwartong ito.

Kalahating oras ang tumagal. Hindi ko pa rin siya makita, nasan na kaya siya?

"Shan!?" sigaw ko pero walang nagpapakita o nagpaparamdam.

Tumayo ako at sumilip sa bintana. Wala din siya sa garden na madalas niyang tambayan noon. Namimiss ko siya, sa totoo lang. Ngunit iba ang sadya ko sa kanya ngayon. Nagiguilty ako tuwing naiisip ko ito. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya ang lahat. Ngayon lang ako naguilty na ganito kagrabe sa buong buhay ko. Sana naman hindi pa huli ang lahat kapag sinabi ko ito sa kanya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kapag umalis ako ngayon at bumalik sa ibang araw, wala na akong magiging palusot kay Aling Eda. Sa hindi ko alam na dahilan, may bigla nalang nagflashback sa isip ko. 

"Hanggang kailan ka ba mananatili dito sa mundo?"

"Hindi ko alam, Jeth. But the one above told me na dapat maging handa ako palagi."

Bigla akong nahimasmasan. Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. Posible ngang ganon ang nangyari. Pero bakit parang biglaan? Huwag naman sana.

Tanghaling tapat na, nandito pa rin ako sa kwarto. Umaasang magpapakita si Shan. Pero wala akong nakitang bakas o palatandaan niya. 

Lumipas ang isa pang oras, sumuko na ako. Wala na akong magagawa kung talaga bang kinuha na siya ng nasa taas.

Malungkot akong bumaba ng kwarto. Lumabas na rin ako ng apartment at naglakad-lakad sa daan habang iniisip kung nasan at kung anong nangyari kay Shan ngayon.

Habang naglalakad, may humintong kotse sa tapat ko. Nagbukas ang windshield ng backseat at laking gulat ko nang makita si Tori. Kasama niya si Zidan at yung driver nila. Kapwa sila nakangiti sa akin. Binati ko pa rin si Tori kahit sa loob ko'y nagdadalamhati ako.

Sa may di kalayuan, sa bandang kanan ko, may napansin akong lalaking nakatitig sa akin. Kapuna puna ang itsura at pananamit niya.

Masama ang tingin niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit parang galit itong lalaki ngayon. Ni hindi ko nga siya kilala kaya imposibleng may nagawa akong kasalanan sa kanya.

Ngunit hindi ako nagpatalo at gumanti din ako ng titig sa kanya.

Namumutla ang balat ng lalaki. Suot niya ay barong at itim na trauser. Nakakapagtaka, bakit ito pumasyal ng mall na ganyan ang suot?

Nagpatuloy kami ni Zidan sa paglalakad. Sinundan ko ng tingin yung kahina hinalang lalaki. Pareho pa rin kaming nakatitig sa isa't isa.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na biglang hinila ni Zidan ang kamay ko kaya pagharap ko, may nakabangga akong babae.

"Sorry po," paumanhin ko na may kasama pang hand gesture.

Inangat ng babae ang kanyang ulo at nakita ko ang kanyang pamilyar na mukha.

"Jeth?"

"Yhuniz?"

"Yeah, ako nga," sabi niya sabay ngiti.

Bigla kong nakita ang kapuna punang lalaki sa likod ni Yhuniz. Sino ba ito? Nagulat ako dahil panay ang hila ni Zidan sa dulo ng shirt ko.

"Sino 'yang little boy na kasama mo? Oh, bakit mukhang takot na takot siya?" tanong ni Yhuniz.

"Kapatid siya ng kaibigan ko," sabi ko sabay ngiti.

Isang malakas na paghila sa damit ko ang bigla kong naramdaman ko at halos ikapunit na ito ng tela. Nagtawanan kami ni Yhuniz ngunit napatigil ako dahil napansin kong parang seryoso talaga si Zidan.

Nandon pa rin sa likod ni Yhuniz yung lalaking kahina hinala. Napansin kong nakatitig don si Zidan. Pasimple kong tiningnan ang mga paa ng lalaki at laking gulat ko nang makitang nakalutang ito.

Naiintindihan ko na, multo ang lalaking 'to kaya ngayo'y takot na takot si Zidan. 

"Jeth, may problema ba?" tanong bigla ni Yhuniz nang mapansin niya ang mukha kong balisa.

Nakita ko yung lalaki. Di maipaliwanag ang mukha niya. Nakakunot ang noo nito na nakatingin sa akin. Mukhang galit pero kapansin pansin ang kanyang malademonyong ngiti.

"Oh, may naalala ako. We need to go back na nga pala. Sige, kailangan na naming umalis ni Zidan," sabi ko at mabilis kong kinuha ang kamay ni Zidan.

Napansin kong sumimangot si Yhuniz. Hindi siya umimik. Hinayaan lang niya kaming umalis. Wala na akong pakialam kung medyo naging rude ako sa kanya. Bahala siya sa buhay niya.

Mabilis ang lakad namin ni Zidan. Nahahalata ko ang takot na nararamdaman niya sa mga sandaling ito. Hindi ko alam kung pano ko siya pakakalmahin. Ni minsan, di ko naexperience maging babysitter.

"Kuya, may bad spirit siyang kasama," sabi bigla ni Zidan.

Nanginginig ang boses niya. Halata talaga na takot na takot siya kahit hindi niya ito sabihin.

"Huwag mo nang isipin yon. Si kuya na ang bahala don. Promise ko, di mo na ulit makikita yung bad spirit na yun. Bumalik nalang tayo sa harap ng bangko, baka tapos na si Ate," sabi ko.

Tamang-tama lang ang dating namin dahil kakalabas lang ng bangko ni Tori.

"Jeth, I'm done. Saan mo gusto maglunch? My treat," tanong ni Tori sabay ngiti.

"Kahit saan nalang. Di naman ako pihikan e," sabi ko.

Napansin niya ang takot sa mukha ni Zidan. Tinitigan niya ang bata pagkatapos ay napatingin sa akin.

"Anong nangyari?"

"Mukhang natakot yata si Zidan don sa mascott na clown," palusot ko. 

Suicide letterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon