"Mapapatawad kita kapag sinamahan
mo ko this time,"
"Kung ganon lang naman pala kadali,
walang problema. O pano, saan ba
ang sunod na punta natin?"
"Sa bahay namin,"
Nabigla ako sa sinabi niya, "Seryoso
ka?"
Tinaasan niya ako ng kilay, "Ano sa
tingin mo? Tara na nga, bago pa
magbago ang isip ko," sabi niya at
pinaspasan niya ang kanyang lakad.
Hinabol ko agad siya, "Wait. Sigurado
ka ba talaga? Sa case mo, I think it's
not a good idea. Shan, mas mabuti
pang 'wag na lang kasi tingnan mo
nga, wala nang dahilan para balikan
mo sila. Try to think of it first bago
mo gawin 'yan. Makinig ka, ni hindi
nga natin alam kung anong
madadatnan natin don. Malamang
masaktan ka pa ulit. Naku, I'm sure
di lang 'yan aabutin mo. Pustahan pa
tayo,"
"Pwes, kung ayaw mong sumama, e
di pupunta akong mag-isa. Choice ko
'to kaya wag kang kokontra. Gusto ko
lang silang makita at kahit ano pang
madatnan ko don, it's not anymore a
big deal for me. Jeth, pamilya ko sila
at kahit ano pang mangyari hindi 'yan
mababago. Sa madaling salita, kahit
na may nagawa silang mali, may
karapatan pa rin akong kamustahin
sila," sabi niya.
Sinabayan ko siya sa paglalakad,
"Okey, I respect your decision.
Samahan na kita. Basta, pangako mo
wag kang iiyak sa harapan ko kapag
nakita mo na sila. Aaminin ko Shan,
nag-aalala talaga ako tuwing nakikita
kitang umiiyak. Hindi ko nga alam
kung bakit, pero feeling ko
responsibility na kita. Shan, hindi ako
nagbibiro. I'm telling the truth,"
Lumingon siya sa akin at tumingin sa
mga mata ko nang seryoso, "Jeth?"
Nabigla ako kasi first time niyang
makatitig sa akin ng ganito ka
seryoso, "Bakit?" tanong ko.
"Bakit mo 'yan sinasabi sa akin?"
Ngayon lang ako natauhan sa sinabi
ko. Hiyang-hiya ako sa mga sandaling
ito, "Wala, nevermind. Tara na,"
![](https://img.wattpad.com/cover/4020412-288-k904797.jpg)
BINABASA MO ANG
Suicide letter
Teen Fictionpaano kung sa kwartong uupahan mo palang ay may nakita kang multo? 'Magandang multo' Matatakot ka ba o ma inlove ka sa kanya.