Chapter 4
Debie Pov
Take a little time baby
See the butterflies color's
Listen to the birds that were sent
To sing for me and you
Can you feel me
This is such a wonderful place to be
Pagkanta ko habang nagdidilig sa mga halaman dito sa bakuran ng bahay namin ni Aziel. Hindi maalis ang mga malalapad na ngiti ng labi ko habang nagdidilig dito sa bakuran namin. Gustong-gusto ko kasi itong ginagawa ko. Kasi mahilig ako sa mga halaman.
Ang gaganda na nang mga halaman at namumukadkad na ang mga bulaklak. Hindi ko mapigilang abutin ang bulaklak ng halaman at saka iyon diniligan.
Even if there is pain now
Everything would be all right
For as long as the world still turns
There will be night and day
Can you hear me
There's a rainbow always after the rain
Hinila ko ang water hose saka itinuon iyon sa ibang mga halaman at hahawakan ko na sana ang susunod na bulaklak na kulay pula nang may maalala ako doon. Naalala ko ang mga labi doon ni... Aziel.
Ewan ko kung ano ang nangyari sa utak ko at nawala iyong kinakanta kong kanta at lumipat bigla sa mapupulang labi ni Aziel. Nabasa ko lang ang bulaklak na kulay pula naalala ko na ang namamasa at mapupulang labi ni Aziel.
Ang walang ginagawa kong kamay ay dumapo sa labi ko at napahimas ako doon. Pilit ko ngang winawaksi ang alaalang nagtagpo ang mga labi namin noong nakaraang gabi at nahihirapan nga akong harapin siya dahil sa tuwing tumitingin ako sa mukha niya naalala ko ang pagdampi ng labi niya sa akin. Kung paano dumiin ang labi niya sa labi ko. Mabuti nga at di siguro niya nahalata na nagpapanggap lang ako kanina. Sana...
Noon tinititigan ko lang si Aziel sa mga billboards, standy, at mga magazine sa na nakadisplay at talagang na-g-gwapuhan ko sa kanya. Tapos ang nakaka-agaw naman talaga sa pansin ko kay Aziel ay ang kanyang labi. Ang mapupula niyang labi na akala ko noon ay photoshop lang o kung di naman ay lipstick. Pero ngayon na nakasama ko na siya sa bahay talagang natural naman pala iyon.
At di ako makapaniwala na ang labing tinititigan ko lang noon ay matitikman ko pala. Hindi ko inaasahan na ang labing hinahaplos lang ng kamay ko sa magazine ay matitikman ko talaga, first hand.
Kaso lang ang nagmamay-ari ng mapupulang labi na iyon ay masama ang ugali. Wala akong ginagawa sa kanya pero parang may galit siya sa akin. Hindi. Galit pala talaga siya sa akin kasi pumayag ako na magpakasal sa kanya. Kung alam niya lang kung gaano ko rin ka-ayaw itong buong nangyayari. Hindi ko madalaw si Mama Sarah sa ospital.
Bumagsak ang mata ko sa daliri ko kung saan ang singsing na binigay ni Aziel sa akin. Iniwan ng kamay ko ang labi ko at hinaplos ko iyong singsing. Kasal na talaga ako. Kasala na talaga ako sa taong hinahangaan ko noon.
Ramdam ko na ayaw ni Aziel sa akin. Ako man kahit na ini-idolo ko siya noon ay ayaw ko rin na naman sa kanya. Pero papakisamahan ko siya. Pagtitiisan ko ang magaspang niyang ugali sa akin kasi dito nakasalalay ang pangpa-hospital ni Mama. Hangga't nakasalalay kay Papa Gideon ang pangpa-ospital ni Mama hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ko pwedeng suwayin si Papa. Hindi ako pwedeng sumuko. Hindi ako pwedeng mapagod kasi nandyan pa si Mama.
![](https://img.wattpad.com/cover/290065209-288-k638578.jpg)
BINABASA MO ANG
El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔
Romance《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 1st installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish.