Chapter 23
Aziel Pov
The days passed by na maayos ang tinakbo ng relasyon namin ni Deb. I was once in love before pero hindi ganito katindi. Hindi ako nabaliw ng ganito. Hindi ako umabot sa punto na pati kaaway ng mahal ko pinatulan ko. Ngayon lang, ngayon na si Deb iba na. Parang di ko yata kaya na di siya iganti sa lahat ng mga nanakit sa kanya. Hindi ko nga pinalampas ang walang puso niyang ama. Ang ibang tao pa kaya?
Hindi ko alam kung saan ang nagsimula itong pagmamahal ko kay Deb. Basta nagising nalang ako na siya na ang hinahanap ko. Nagising nalang ako na mukha na niya ang gusto kong makita sa araw-araw. Nagising nalang ako na hinahanap ko na ang presensya niya, kapag di niya ako pinapansin dati ay nagpapansin ako. Di ko lang namamalayan na iyong ginagawa ko sa kanya ay di na pala iyon para magfile siya ng divorce namin. Iyon pala para na pala iyon mapansin niya ako.
Di ko man alam kung kailan nagsimulang tumibok ang puso ko para kay Deb. Siguro na naman ako sa kanya. Dumating na ako sa punto na siya na ang gusto kong makasama. Dumating na ako sa punto na nakikita ko na ang kinabukasan na kasama siya. Kaya nga sa mga taong inaalispusta at inaapi ang asawa ko, ako ang makakalaban nila.
Deb was too soft-hearted. Ni hindi ko na gusto na okay lang sa kanya na magpakababa sa sarili niya para sa iba. Yes! Yes, I understand him kasi dyan kasi siya nasanay. Nasanay siya sa ganoon because of his life in his father's place. He was being maltreated by the wife of his father, and his very own father also used to hit him. And then, here come his two little idiots and coward stepbrothers na hindi man lang siya magawang ipagtanggol. Kaya sorry nalang sa kanila. Sorry nalang kasi wala akong ititira sa kanila.
Deb's trauma and scars were enough for me to put them in their right places. My blood really boils when I see how scared, how terrified, and uneasy my husband is. Kahit nga ngayon kapag nakikita ko ang mga piklat sa katawan ng asawa ko ay nandidilim pa rin talaga ang paningin ko. Damn, Mr. Gideon Trazon, ang laki pa ng ngiti sa akin at ni Daddy nung ipagkasundo kami ni Deb. Mga mukhang pera.
Simple lang naman ang ginawa ko sa pamilya ni Gideon Trazon. Inunti-unti ko lang silang kunan ng haliga sa negosyo. Tingnan natin kung saan sila pupulutin. Tsk! Wag na wag lang talaga nilang lapitan ang asawa ko at hingan ng pera.
Iyong ngang na buhos ng sauce sa ulo ng asawa ko ng kumain kami sa isang resto naturuan ko ng leksyon. Tinanggalan ko lang naman ng trabaho. Iyong babae sa Mallorcas Furniture nilabas ko ang tinatagong baho. At iyong si Renna ay pinalayo ko na dito. Pinaalam ko lang sa pamilya niya kung anong klaseng anak meron sila kaya ayon, nawala na sa bansa.
Nung sinabi ko kay Deb na proprotektahan ko siya seryoso ako doon. Ngayon na natagpuan ko na ang taong bubuo sa akin di ko na ito papakawalan. Aalagaan ko na ito.
Ngayon ko lang naintindihan lahat ng sinabi sa akin ni Daddy. I just really need to open my heart to my husband. And unbeknownst to me, my heart voluntarily opened for him and even welcomed him and embraced him into my life.
I despised love before for making me feel like a fool—a total stupid person. I was twice betrayed and killed by love. But this feeling, this feeling I have for my husband, was different. It's encomparable. It's unexplainable. It's amazing. It's beautiful, just like my husband.
I really love how Deb spoils me. Instead of him sleeping in my arms, I was the one who was sleeping in his small arms. A small arm, yet it was able to carry my whole world. Debie is now my universe, my everything in this lifetime.
BINABASA MO ANG
El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔
Romance《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 1st installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish.