CHAPTER 20

47.9K 1.3K 241
                                    

Chapter 20



Debie Pov

"Say ah," utos ni Aziel sa akin saka ako sinubuan. Hindi naman ako imbaldado at nagagamit ko na naman ang kamay ko kahit papaano pero itong si Aziel OA. Sinusubuan ako. Parang binabata niya ako, e.

Ngumiwi ako at tinuro ang kutsarang puno ng pagkain.

"Bawasan mo naman 'yan mal. Ang dami." reklamo ko.

"Oh," saad niya na parang doon pa talaga na-realized na ang dami niyang nilagay doon.

Binawasan niya iyon saka muling sinubo sa akin. Nagpipigil sa pagtili ako dito sa harap niya.

"Y-you cleaned me last night, Aziel?" ani habang nginunguya ang maliit na pagkain sa bibig ko.

Napatigil ang lalaki sa pag-scoop ng pagkain nang marinig niya ako. Nag-isang linya ang kilay niya sa akin.

"Aziel?"

Umuwang ang labi ko sa kanya. Lihim akong  napangiti at napaipit sa labi.

"M-mal..." pagtama ko sa sarili ko.

Agad naman siyang ngumiti.

"Of course. I made the mess kaya ako rin ang lilinis. Ganyan ako ka-responsableng asawa." Madamdamin niyang sagot sa akin.

Muntik ko na siyang masipa sa kanyang sinagot sa akin. Muli niya akong sinubuan bago niya naman sinubuan ang sarili.

"Teka di ka ba papasok sa trabaho mo?" Ang tanong ko.

"I think I need to absent to take care of you."

Nalukot ang noo ko sa sinabi niya.

"Hindi na kailangan Aziel. Maayos naman ang  pakiramdam ko. K-konting sakit lang naman sa baba ko at sa balakang." wika ko sa kanya. Ayaw ko naman na ako ang maging dahilan sa pagliban niya sa kanyang trabaho.

Sa konting bagay na ginawa niya kagaya ngayon ay naa-appreciate ko naman ng sobra kaso di niya naman kailangan na umabsent dahil tingin ko kaya ko na naman ang sarili ko. Pahinga lang ang kulang ko.

Tinabi niya ang platong hawak at lumapit sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at napisil ang mga 'yon.

"Ayaw mo bang magpa-alaga sa akin?"

Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi naman sa ganon, Aziel." Sumimangot siya. "A-ayaw ko lang na lumiban ka sa trabaho mo dahil lang sa akin."

Halos umusli ang mga ugat niya sa noo nang mapapikit mata siya. Marahas siyang bumuga ng hininga sa bibig at muli akong pinukol ng matatalim na tingin.

"Lang? You really think of yourself too low, mal." He growled.

"Azi--"

"I love you, okay? I don't know if you're still uncomfortable with me being intimate with you, Deb. I don't know if you're still not used to me being a caring and loving husband to you. I don't understand why you're pushing me when I just want to take care of you." Aziel gritted his teeth.

Okay, aaminin ko na. Oo medyo awkward. Oo di ako sanay. Oo naninibago pa rin ako sa lahat ng mga pinapakita ni Aziel. Hindi ko naman pinagduduhan ang nararamdaman niya sa akin. Hindi naman ako nagduduga doon dahil pinapakita niya naman iyon sa akin. Siguro nga ako ang may problema. Siguro nasa akin ang mali.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon