CHAPTER 10

48.6K 1.5K 145
                                    

Chapter 10

Debie Pov

Hindi ko na matandaan kung kailan ako lumabas ng bahay nang malaya. Simula nang pumasok ako sa bahay ni Papa Gideon. Di na ako nakakalabas ng bahay ng matiwasay. Siguro nakakalabas ako kapag inuutusan akong mag-grocery at may oras pa iyan.

Nakaka-inggit nga iyong nakikita kong mga ka-edad ko na malaya silang nakakagala. Nakakabili ng gusto nila. Hindi man kaaya-aya ngunit naiinggit talaga ako. Hiniling ko sa Dios na sana ganoon na lang ang buhay ko. Sana di nalang ako naging anak sa labas. At napapatanong din ako sa Dios kung bakit ganito ang buhay ko. Mahirap na nga ako—kami ni Mama pero bakit nabaliw pa si mama? Ang mama ko nga lang ang nasa tabi ko pinagdamot pa iyon ng Panginoon sa akin.

Mapait. Sobrang pait nang buhay ko nang pumasok ako sa bahay ni Papa Gideon. Nagpapasalamat na lang ako sa Dios na nakayanan ko ang buhay doon. Kahit puro pasa, masasakit na salita, pagkutya sa mama Sarah ko at iba pang naaani kong salita. Lumalaban pa rin ako. Lakas ko ang mama Sarah ko at kung ang mama ko ang mawala sa buhay ko siguro dun na rin ako susuko sa buhay.

Kaya nga kanina ay napatanong ako kay Aziel kung iuuwi niya ba ako sa bahay. Di kasi talaga ako sanay na isinasama ako sa labas.

At ngayon na lalabas ako kasama pa si Aziel. Di ako makali. Nakaka-excite kahit na alam ko naman sa studio lang kami. Para akong bata na uhaw na uhaw sa buhay sa labas ng bahay. Akala ko dagdag pasakit itong bagong pinasok ng buhay ko. Itong pag-aasawa kay Aziel. Kaso nakumpara kong mas mabuti ito kaysa doon sa bahay ni Papa Gideon. Sa bahay namin ni Aziel walang nag-uutos sa akin sa gagawin ko maliban na lang kung tupakin si Aziel. Wala nang nagbubuhat ng kamay sa akin. At mas lalong wala na akong naririnig na mga masasakit na salita tungkol sa mama Sarah ko.

Napapangiti ako nang may maraanan kaming school. Gusto ko ulit mag-aral. Gusto ko ulit pumasok sa school. Kaso lang nakatali na naman ako. College na sana ako.

Nilingon ko si Aziel na napapa-head bang sa musika na lumulukob sa buong sasakyan niya. Di ako nakaka-relate doon sa music. Rock kasi at saka di rin ako maalam sa mga musika dahil wala naman akong cell phone. Iyong mga naririnig ko lang sa mga kapitbahay namin noon ang mga musikang nakaka-pamilyar ako.

Napalunok ako nang dumapo ang mata ko sa pulang labi ni Aziel. Pinikit ko ang mata ko nang may kakaibang nabubuhay sa kalamnan ko. Dios ko!

Pumasok sa isip ko iyong nangyari kanina. Sa mga araw na dumadaan na kasama ko si Aziel. Unti-unti ko na siyang nakikilala. Unti-unti ay nakikita ko na ang totoong siya. Masungit si Aziel, madaling mapikon, minsan may pagkabugnutin din siguro dala na iyon sa kasungitan. Ngunit mabait din si Aziel. Magaling makisama kagaya ng ginawa niya sa mama ko kanina. Generous din. Akala mo nga naman kasi na binigyan ako ng flowers at pati si Mama.

Lihim akong napangiti at sinulyapan ang bulaklak na bigay niya sa akin na nanduduon sa backseat. Di na ako makapaghintay na umuwi ng bahay at i-display iyon.

"You're smiling now, huh." nakakurap-kurap ako at tumingin sa mata ni Aziel.

Sumulyap siya sa akin at ngumisi.

"O-oh, may naisip lang." pagdadahilan ko. Siya naman talaga ang laman ng utak ko.

"Hmm. Wag kang humiwalay sa akin kapag dumating tayo sa studio, okay?" pagbibilin ni Aziel.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon