Chapter 36
Debie Pov
Walang imikan kami ni Aziel ngayon dito sa kitchen. Hindi ko alam kung ano ang nangyari dahil parang bumait siya sa akin ngayon. Ako ang nagpresentang magluto ulit dahil di kami—ako nakapaglunch dahil iniwan ko ang pagkain na ginawa ko kanina doon sa kanyang opisina.
Naguguluhan pa rin ako hanggang ngayon dahil nandidito si Aziel sa penthouse kahit na oras pa naman ng kanyang trabaho. Alas tres pa naman kaya di pa ito ang nakasanayan ko nang oras na uwi niya galing sa trabaho.
Binaba ko ang tingin ko sa oatmeal na kanyang binigay sa akin. Hinihintay ko pa kasing maluto sa kanyang niluluto.
Sumubo ako noon at naluha ako nang maalala ko ang dati—ang dating kami. Ganito kami, e. Ganito kami noon.
Inaalagaan niya ako. Nilulutuan niya ako. Tina-tuck niya kapag matutulog.
Tiningnan ko naman ang damit ko. Iba na ang suot ko sa natatandaan kong suot ko kanina na umalis sa kompanya nila Aziel.
Ngumuso ako at muling sumubo. Nakiling ko ang ulo ko nang maalala ko ang sinabi kanina ni Aziel. I can't be mistaken. He called me... mal. He called me the way he called me before. He called me by our pet name. And he also said sorry.
Tumingin ako sa malaking katawan ni Aziel na nakatalikod sa akin. Ngayon ko lang siya natitigan ng ganito simula noong nagkita ulit kami. Ngayon ko lang ulit siya natitigan na walang bumabagabag sa akin at walang takot na baka ay didilatan na niya naman ako sa mga mata niyang nanlilisik. Ngayon malaya ko ulit siyang mapagmamasdan.
Lumaki ang katawan ni Aziel kaysa dati. Saka noong nahawakan ko siya kagabi ay mas naging toned pa ang katawan niya. He looks like he didn't age. Instead, he becomes more cruelly handsome.
Nagkalayo kami ni Aziel. Hindi. Lumayo ako kay Aziel para hanapin ko ang sarili ko. Pakiramdam ko kasi noon di ako makahinga sa mga nangyayari sa paligid ko. Napuno ako. Hindi ko na alam ang gagawin at nakikita kong naapektuhan na si Aziel sa akin. Hindi kasi ako sanay doon. Na may ibang tao na nagdudusa para sa akin. My mind may not be working properly at the time, but my eyes can see how tired and exhausted he is. I feel like a burden to him. I feel like I'm the one who's making his life so hard. He was acting tough in front of me, but I also knew that, that time he was struggling with the loss of our child and my state that time was making it worse.
And that time my only solution was to move away from the place. I want to breathe. I want to be alone. I want to find myself. I want to find what was wrong with me kung bakit ako ang pinapahirapan ng ganoon. Wala na nga ang ina ko noon sa tabi tapos naghirap pa ako sa puder ng ama ko. I was abused everyday. I was maltreated. Then, I found Aziel. Akala ko iyon na. Akala ko doon na matatapos ang hirap ko. Akala ko sasaya na ako lalo na sa pagdating ng baby namin kaso... nakuha naman din ito sa akin. Kaya naisip ko na ako ang mali. Ako ang bunga ng pagtataksil ni Papa Gideon kay Tita Mikee kaya tingin ko noon ako ang pinaparusahan sa lahat.
Lumayo ako. Akala ko noon lalayo lang ako ng isang lingo o isang buwan dahil mahahanap ko na ang sarili ko by that time. But no, I was wrong. Sa paglayo ko nalaman kong buntis pa rin ako. I was carrying Denziel in between my postspartum. I was also diagnosed with PTSD. And yeah, my condition worsens. Kaya nga sobrang pasasalamat ko kay Renna kasi isa siya sa umalalay sa akin. Isa siya sa umagabay sa akin sa paghihirap ko noon.
BINABASA MO ANG
El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔
Romance《C O M P L E T E D》 [BxB | R18 | Mpreg] El Grande Series 1st installment. WARNING: Contains strong language and mature scenes. DISCLAIMER: This is written in Taglish.