CHAPTER 18

44.8K 1.4K 752
                                    

⚠️MATURE CONTENT BELOW. READ AT YOUR OWN RISK.

Chapter 18

Debie Pov


Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin ko kay Chef Jules nito. Sa dalawang dish na ginawa namin ni Renna ay pumalpak lahat. Nasunog ang salmon at iyong pinakuluan kong beef ay nadurog na. Pero di naman talaga ako doon mas nabo-bother. Mas na-bothered ako sa ginawa ni Renna. Pakiramdam ko ginamit lang ako ni Renna. Pakiramdam ko di talaga totoo ang pakikitungo sa akin ni Renna. Nakakasama sa loob. Nakakapanghinayang.

Simula nung una pala ay kilala na niya si Aziel—kilala na niya ako. Kilala na niya ako at alam niya na asawa ko si Aziel. Nagkunwari siya. Niloko niya ako. Renna just used the our group project para makapunta dito sa bahay at gawin ang pakay niya.

"I think that woman used to be my fling, Deb. I don't know." gulong paliwanag ni Aziel sa akin at pinisil ang kamay ko. Nandidito kami sa sala at siya na ang unang bumasag sa katahimikan namin.

Ewan ko. Nakakainis na nakaka-init ng ulo. Nakakainis dahil di ko gusto ang nakita ko kanina. Muntik lang halikan ni Renna si Aziel pero di ko namalayan na dumugo na pala ang palad ko sa higpit ng pagkakakuyom ng kamao ko kanina.

Kinagat ko ang ibabang labi ko.

Hindi na ako makatingin kay Aziel. Hindi naman ako nahihiya. Di ko lang talaga siya kayang tingnan sa mata dahil natatakot akong mabasa niya ang mga emosyon na naglalaro sa mukha at mata ko. Madaling nakakabasa ng emosyon ang lalaki at natatakot ako doon.

"Deb?"

"O-oh?" Nagkatinginan kami saglit ni Aziel pero agad kong iniba ang direksyon ng mata ko.

Kumabog ng husto ang puso ko. Bumuga ako nang hininga mula sa bibig ko at kinagat ang dila ko sa loob ng bibig ko.

"Galit ka? Galit ka sa nakita mo kanina? Ma—Deb, I promise hindi ko talaga gusto iyon. Promise." Itinaas pa niya ang kamay niya. "You saw it, tinulak ko siya. That woman!" Nanggigil niyang saad.

"P-parang gusto mo naman." pabulong kong saad.

Halos mabingi ako sa lakas ng kabog ng puso ko nang kulungin ni Aziel ang mukha ko gamit ang palad niya at itutok ako sa kanya. Hindi ko maintindihan ang emosyong nasa mukha at mga mata ng lalaki.

Dios ko. Sambit ko nalang dahil parang naluluwa na ako sa kabog ng puso ko. Parang bumabaliktad na ang sikmura ko sa di ko malaman na dahilan.

"You're jealous?"

"H-huh? A-anong j-jealous ka dyan, Aziel? H'wag ka ngang ano d-dyan!" mariing tanggi ko sa paratang niya kahit na totoo naman na nagseselos ako. Ayaw ko lang talagang aminin.

"Okay you're not jealous. You're just upset, hmm?"

Napa-labi nalang ako. At mas piniling di na umimik.

"I promise, Deb. Di ko talaga gusto ang ginawa ng babaeng iyon. Kung siya nakikilala pa ako pwes ako hindi ko siya matandaan. I swear!"

Ngumiwi ako sa kanya.

"Parang inamin mo na rin Aziel na ang dami mo palang naging babae noon." usal ko na kina mura niya.

"Hey! That was before, before I met you and before we get married." he reasoned while still caging my face. Para na sigurong nguso ng pato itong labi ko ngayon sa ginagawa niya.

"Di na mahalaga iyan."

"I don't like that woman. Kaya lumayo ka na doon, okay?"

Inirapan ko siya. "Kung maka 'i don't like that woman' ka naman parang di mo naman naging babae si Renna, Aziel." ani ko at inalis ang kamay niya sa mukha ko.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon