CHAPTER 12

46.8K 1.5K 261
                                    

Chapter 12

Debie Pov

Halos mawalan na ako ng hininga habang pilit na hinahabol ang pagjo-jogging ni Aziel. Nakailang minuto pa lang ako pero heto ako't halos mawalan na nang malay sa likod niya. Sinama niya ako sa morning jog niya for the first time ever. Ginising niya ako nang 4am para makasama sa kanya. Sa una ay napaka-excited ko pa. Kaya agad akong nagready pero sising-sisi na ako ngayon. Sana pala nanatili na lang ako sa bahay namin at natulog. Wala pa sana akong poproblemahin ngayon.

Aziel is physically fit. Pangangatawan pa lang ay masasabi mo na iyon. Yakang-yaka na niya ang paglilibot dito sa buong subdivision pero ako para na akong mamamatay dito sa likod niya.

Sino ba naman ang nagdala nito sa sarili ko kung hindi ako lang din naman. Kagabi kasi. Nag-usap kami. Nag-usap kami ng masinsinan. Kaso lang itong mga mata ko. Di kasi mapigilang tumitig sa katawan ni Aziel kagabi!

"Deb?"

"O-oh, Aziel?" nautal kong saad bago pinutol ang titig ko sa katawan niya.

Sumimangot ako nang makita ko ang malaking ngisi sa labi ni Aziel at pinag-krus niya ang kanyang maskuladong braso sa harap ng kanyang dibdib at pinakatitigan ako.

Napakurap-kurap ako at halos madura sa lakas ng tibok ng puso ko at sa mga insektong naglalaro sa loob ng tiyan ko. Dios ko. Mama. Lihim kong kinakalma ang puso ko sa kabila ng intensidad ng mga titig sa akin ni Aziel.

"You like my body, are you not, Deb?" May panunuksong turan ni Aziel sa akin at nilapit ang mukha sa akin. Mabilis ang naging galaw ng katawan ko at inatras ang mukha sa biglaang galaw ng lalaki.

Umusok ang tainga ko at pisngi dahil sa lapit ng mga mukha namin ni Aziel. Tumitig ako sa mga singkit na mata ni Aziel na kulay abo para akong nahahalina doon. Para akong kinakabig n'ong mga mata iyon. Naglakbay pa ang mata ko sa supladong kilay ni Aziel at matangos niyang ilong na ilang pulgada na lang ang layo noon sa akin. Nilunok ko ang namumuong bikig sa lalamunan ko nang dumapo ang mata ko sa naka-awang na bibig  at sa mapupula niyang labi. Dios ko.

Nakuyom ko ang kamao ko sa bedsheet nang kama niya at nag-ipon ng hangin sa dibdib bago magsalita.

"A-ano pinagsasabi mo dyan?" Pag maang-maangan ko sa kanya at hilaw na tumawa. Napangiwi naman ako dahil halata yata sa tawa ko na kinakabahan ako.

Nilayo ni Aziel ang mukha sa akin kaya nakahinga ako ng maluwag. Parang ayaw ko yata sa Aziel-Rigg na mapanukso at napaglaro. Delikado yata ang puso ko dito. Tingnan mo itong puso ko ngayon. Di ko na makalma at rinig na rinig ko ang malalakas na pintig n'ong puso ko sa tainga ko. Nakakabaliw!

"You're drooling." saad ni Aziel at madali namang lumipad ang kamay ko sa gilid ng labi ko kung totoo ba ang sinabi niya. Kaso... nauto ako. Wala naman kasi!

"Sira ka! Wala naman." pagsigaw ko at lumagapak ang dibdib niya sa hampas ng kamay ko.

Agad kong nabawi ang kamay ko doon sa malapad na dibdib ni Aziel. Umawang ang labi ko nang makita kong namula iyon at nagmarka ang kamay ko sa dibdib niya. Maputi kasi siya kaya naman litaw na litaw iyong pamumula noon.

"A-ano! Ikaw... ikaw kasi. Inaasar mo ako." paninisi ko sa kanya. Napalakas din yata ang hampas ko sa kanya.

"You're really bad, Deb. Binigay ko ang cell phone ko sayo. Sinama kita sa trabaho ko at sinamahan pa kita sa mother mo. Pero ito lang ang makuhuha ko sayo?" Nagtatampong saad ni Aziel.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon