CHAPTER 21

41.5K 1.2K 257
                                    

Chapter 21

Debie Pov

Hindi ko aakalain na pagdating ng lunes ay sasalubungin ako ng mga kaklase ko tungkol sa pag-drop ni Renna sa klase namin. Ako lang daw kasi ang close ni Renna at kasama nung friday kaya nagbaba-kasakali sila na may alam ako.

Sabi nila nag message raw sila sa akin sa Facebook ko kaso di naman ako nakahawak ng telepono ko simula nung Friday. Pagod ako sa buong weekend dahil kay Aziel.

Hindi ko man alam ang buong kwento sa pag-drop ni Renna pero mukhang dahil iyon sa nangyari sa bahay namin. Well, hindi naman ayos sa akin ang ginawa ng babae pero para magdrop out dahil doon. Mabuti! Dahil ayaw ko rin sa kaibigan na ganoon. Nalinlang ako ni Renna sa kagustuhang magkaroon ng kaibigan. Akala ko talaga totoo na siya. Akala ko totoong kaibigan ko siya pero iyon pala... ang asawa ko lang ang hinahabol niya. Nagpapanggap lang pala siya sa akin.

Nakakasama sa loob. Nakakapang hinayang sana pero baka ako lang ang nakakaramdam nito dahil plastic lang pala ang pakikitungo niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at tiningnan ko ang kaklase ko sa harap ng upuan ko na naghihintay ng sagot ko.

"Wala akong alam dyan. Di naman natuloy ang paggawa namin ni Renna sa group project at saka... di rin siya nagsasabi sa akin sa mga bagay-bagay kaya wala talaga akong dyan." palusot ko nalang upang tantanan na nila ako.

Ayoko ko nang pag-usapan pa si Renna. Nakakadagdag lang siya sa bigat ng dibdib ko. Nakakasama sa loob.

"Ganoon ba."

"Oo."

"Mabuti na rin iyon na nawala siya. Masyado kasing mataas sa sarili ang babaeng iyon. Akala mo talaga kinagaganda niya ang pagsusungit niya." Rinig kong wika ng isa kong kaklase.

"True! Kung makatingin sa atin parang ang baba natin compare to her. Porque kilala ang pamilya niya." Gatong pa sa isa kong kaklase.

"Uhm, Debie kung may kailangan ka or need mo ng help nandidito lang kaming mga classmates mo, huh." Nakuha ng lalaki sa harap ko ang atensyon ko nang magsalita siya.

"Alam mo kasi gusto talaga kitang maging kaibigan kaso... nahihiya kasi ako—kami ng mga classmates natin. Ang tahimik mo kasi at mukhang ang seryoso mo sa buhay." Puno niya pa.

Nag-iwan siya ng ngiti sa akin bago umalis at bago siya makarating sa kinauupuan niya ay nagsalita ako.

"Thank you. Tatandaan ko ang sinabi mo."

Lumapad ang ngiti niya sa labi.

At sa mga sumunod na araw ay naging magaan at maganda ang paglipas ng araw para sa akin dahil mostly sa mga kaklase ko ay nakaka-usap ko na at ang dalawa na sina  Vicente at Caroll ang naging mas ka-close ko.

Si Vicente ay... isang bakla. Hindi halata sa hitsura at pananamit niya pero bakla siya. Aniya, Vicente raw ang pangalan niya sa umaga at Ace naman daw ang pangalan niya kapag sasapit ang gabi. Si Caroll naman ay may asawa na tulad ko. Laking probinsiya si Caroll pero nakapag-asawa ng taga-syudad.

"Aminin mo nga Debie. Sino iyang sumusundo at naghahahtid sayo araw-araw?" usisa sa akin ni Caroll habang naghuhugas kami ng kamay.

"Oo nga Debie. Ang gara ng sasakyan ah, rolls-royce."

Inismiran ko silang dalawa. Sa pagkakaalam ko base sa mga kwento nila ay mayayaman sila. Si Vicente mayaman dahil hatid-sundo rin siya ng isang sasakyan at may negosyo ang pamilya. Ito namang si Caroll ay mayaman din dahil sa asawa niya. Hindi ko nga lang alam kung bakit sa tuwing napag-uusapan ang asawa o mga bagay sa buhay niya ay laging may lungkot sa mga mata niya.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon