CHAPTER 30

35.4K 1.2K 680
                                    

Chapter 30


Debie Pov

It wasn't an easy decision for me. Leaving your true love will never be an easy thing to do or decision to make. I have thought of it countless times already, weighing my decision to leave or not. Pero lagi pa rin akong uuwi sa desisyong umalis muna.

Losing our unborn child was like cutting off my other half of my body. Nang una ay ayaw kong maniwala. Ayaw kong maniwala na ang anak namin ni Aziel. Kahit na ilang weeks lang siya sa akin ay wala na. Nakapagplano na kami ni Aziel at unti-unti na rin kaming bumibili ng mga gamit ni baby kahit na di pa naman namin alam kung ano ang gender nito. Hindi man namin pinlano ni Aziel ang pagkakaroon ng bata kaso ito ang mas lalong nagpalapit sa aming dalawa. Dahil sa pagbubuntis ko mas nakilala ko ang asawa ko. Dahil sa pagbubuntis ko mas minahal ko ang asawa ko. Kaya noong nawala ang anak namin. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko. Hindi ko matanggap na nawala ang anak namin ng ganun-ganun. Dahil kay Tita Mikee nawala ang anak namin.

Mas madali siguro naming matatanggap ang pagkawala ng baby namin kung mahina na talaga ang baby o ano. Pero kung dahil sa isang tao... hindi. Hinding-hindi mo talaga matatanggap. Pero ang mawalan ng anak ay kailanma'y di talaga madali.

Minsan nga nanaginip ako na umiiyak ang baby namin ni Aziel. Sa iyak ng baby namin para niya talaga akong tinatawag. Parang giniginaw ang baby namin at tinatawag niya kami.

Hindi ko nakayanan ang ganoong bagay kaya isang beses habang nagbabanyo ako ay may parang bumulong sa akin na kunin nalang ang buhay ko. Parang may nagtulak sa akin na kunin ang razor ni Aziel at kunin nalang ang buhay ko. Sa mga pahanong iyon wala akong ibang maisip kung hindi ang magpakamatay. Iyon lang ang tanging solusyon na nakita ng isip ko para wakasan ang paghihirap ko. Iniisip ko rin na kung mamamatay ako ay masasamahan ko ang baby namin.

Kaso noong makita kong pumapatak na ang dugo ni Aziel sa sahig doon unti-unting bumalik ang tamang takbo ng isip ko.

Sa ginagawa ko palang iyon nasasaktan ko na ang asawa ko. Sa ginagawa ko sa sarili ko nasasaktan ko na si Aziel. Kung napagod ako, maski rin ang asawa ko ay pagod na rin pala. Kung nahihirapan ako, ang asawa ko rin pala at doble ang hirap niya dahil sa akin at sa anak namin.

Sinampal iyon ni Aziel sa akin at tingin ko naging makasarili ako sa mga panahon na iyon. Imbes na magdamayan kami ni Aziel sinarili ko ang sakit. Sinarili ko ang pagdadalamhati ko. Sinarili ko ang hirap.

Nakita kong apektadong-apektado na si Aziel dahil sa akin. Nakita kong dahil sa akin wala na siyang magawa. Nakita kong dahil sa akin unti-unti nang nawawala si Aziel sa kanyang sarili. Naapektuhan ko si Aziel sa kanyang career at sa kanyang trabaho.

Kaya sumulat ako kay Daddy Azrael. Sa kanya ako sumulat at nagpaalam dahil di ko iyon kayang gawin sa asawa ko. Alam kong magagalit si Aziel kaso nakapagdesisyon na ako kahit na mahirap at masakit. Makasariling desisyon ang ginawa ko pero para rin naman ito sa aming dalawa ni Aziel.

Sinadya ko iyong mga panahon na naglalambing ako sa asawa ko. Sinamantala ko na ang panahon na kasama ko ang asawa ko. Nilubos ko na iyon. Plano ko na iyong lahat iyong paglalambing ko at iyong pagdala ko ng maraming damit.

"Mimi! Braid my hair." Kinilabit ako ng anak ko sa gitna ng paglilinis ko sa mesa.

Maaga pa naman at wala pa kaming opening hour kaso nakikita ko sa labas na marami ng naghihintay makapasok.

Tinigil ko muna ang pagpupunas ko sa table at umupo sa isang silya saka ko binuhat ang magtatatlong taong gulang ko na anak.

"Huwag gagala ng malayo anak."

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon