CHAPTER 28

33.5K 1.1K 533
                                    

⚠️TW: Mention of death, suicide attempt, and blood. Be a responsible reader. Thank you!
------------------------------------

Chapter 28


Aziel Pov

The past five days of grieving because of the loss of our baby seem to be the most long and gloomy days of my life—of our life. It seems like an hour went by so slow for us. The house was so quiet. Our colorful days turned into colorless days.

Nang araw na dumating kami ni Deb dito sa bahay ni daddy, kung saan ako tumira dati, di ko siya iniwan. I want to be there if he needed something. I want to be there when he want something. Ayaw ko na maramdaman ni Deb na nag-isa siya. Ayaw kong maramdaman niya na wala siyang kasama sa mga oras na 'to. I want to be on his side physically, emotionally, and mentally if possible.

Napakasakit na masaksihan mo ang asawa mo na palaging umiiyak. At wala kang magawa. Lagi lang siyang nakahiga at tahimik na pumapatak ang luha niya. Hindi ko alam kung may malay ba siya na walang tigil kaka-agos ang mga luha niya. Doble-doble ang balik ng sakit sa akin n'on.

Deb doesn't feel like waking up and seeing the sun in the morning. He just sat in bed, sobbing quietly. It's excruciatingly painful to watch him in that state, but what can I do? As much as I want to take all those pain, there's no way I could take them. If there's a possible way, maybe I will do it no matter what it is, but no. There's none. All I could do was stay on his side.

Ultimo pagkain ay di niya na nga naiisip, e. Kung di ko siyang pinapakain on time siguro, ayos lang sa kanya. Kung aalis ako sa tabi niya ngayon. Sinong mag-aasikaso sa kanya? Sinong magbabantay sa kanya? Lalo na ngayon na di ko alam ang mga tumatakbo sa isip niya. Mas lalong ayaw ko siyang iwan. Nagtatrabaho ako kasama siya sa kama.

Siguro tama nga rin si Theo na kailangan ko munang unahin ang asawa ko. Saka ko na aalalahanin ang pamilya ng ama niya kapag maayos na siya—kami.

"Eat," mahina kong usal at sinubukan siyang subuan.

He just blankly stared at the spoon right in front of him.

Malungkot niya akong tiningnan. "D-di ko nalulunok ang mga kinakain ko, mal."

Agad akong kumuha ng tissue para saluhin ang panibagong luha na tumulo mula sa mga mata niya.

"Dalawang subo nalang, mal."

Ganito talaga kapag kakain. Pahirapan. Wala siyang gana. Mabuti at kahit papaano ay kumakain siya ng sopas na ginawa ng maid na pinabalik na ni daddy the other day.

Nang ibalita ko kay Daddy Azrael ang nangyari ay nalungkot din siya. Kung excited kami ni Deb na magkaanak. Si Daddy naman ay excited na maging lolo. Kaso di pa siguro talaga ito ang tamang oras. Siguro di iyon para sa amin. Daddy also said that anytime by now, he will be heading home to lend me a hand sa kompanya.

"You want me to tuck you in bed?" tanong ko kay Deb.

Dahan-dahan siyang tumango.

Lumapit ako sa kanya at una siyang hiniga sa kama bago ako. Pinaunan ko sa kanya ang isang braso ko samantalang sinusuklay naman ng isa kong kamay ang buhok niya.

Sa pangatlong araw namin ni Deb sa bahay ay napansin kong umaalis na siya sa kama at doon siya tumatambay sa veranda ng room. Nakatingin siya sa malayo at mukhang malalim ang iniisip. At least ngayon umaalis na siya sa kama unlike passed few days na di siya umaalis doon.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon