CHAPTER 24

34.6K 1.1K 444
                                    

Chapter 24




Debie Pov

Dumaan ang mga araw at hanggang sa nag-isang linggo na lang ay di ko pa rin masabi-sabi kay Aziel ang pagbubuntis ko. Talagang sinusubukan ko namang i-open sana ang ganoong usapin pero natatakot pa rin ako. Sinusubukan ko namang sabihin sa kanya na nagdadalang tao ako kaso... kapag nasa harap ko na siya ay nawawala ang lakas ng loob ko. Kusang umu-urong ang dila ko kapag nasa harap ko na siya.

Pati sina Caroll at Vicente ay sinabihan ko na tungkol sa hesitance at fear ko na sabihin kay Aziel itong pagbubuntis ko. At isa lang talaga ang sinasabi ng mga kaibigan ko. Na dapat ay sabihin ko na ito kay Aziel bago pa mahuli ang lahat at sa iba niya pa malaman.

Ngayon ay nakatingin ako kay Aziel na mahimbing na ang tulog at ang kamay ay nasa loob ng t-shirt ko. Nasanay na ako doon. Noong una nakakakiliti pero kalaunan ay nakasanayan ko na. I'm already used to his hands inside my shirt and his palm on my breast. Ewan ko kung bakit gustong-gustong niya iyon.

Sinuklay ko ang buhok niya. Magiging mabuti kayang tatay si Aziel? Ano kayang klaseng ama si Aziel kapag nagkataon? Di kaya niya ako itutulak tulad ng ginawa ni Papa Gideon kay Mama Sarah? Pero di ko dapat na iki-kompara ang asawa ko sa papa ko na walang pagmamahal sa akin. Kasi ang asawa ko mahal ako. 

Napasimangot ako nang bigla akong nagutom. Hindi ko talaga alam kung napapansin na ni Aziel itong mga cravings ko. 

Inaantok na ako sa totoo lang pero nagutom naman ako.

Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ni Aziel sa loob ng t-shirt ko. Mahina akong bumangon. Umupo ako sa paanan ng kama namin at napa masahe ako sa mata.

"Mal?"

Nilingon ko si Aziel.

"Where are you going?" mahinahon niyang tanong.

Lumabi ako sa kanya at bigla nalang nanubig ang mga mata ko. Muli kong hinaplos ang mata ko.

"Hey." si Aziel at nagulat ako na nasa tabi ko na siya at hawak ang kamay ko. "Is there something wrong, mal?"

Yumuko ako. Nakakahiya. Anong oras na ba? Nagising ko pa tuloy siya.

"N-nagugutom... ako."

Naunang umalis ang lalaki sa akin sa kama at tumayo sa harap ko.

"Halika sasamahan kita sa kitchen. Natatakot ka?"

Pinalis ko ang luha ko at tumango sa kanya. Hinanap ko ang slippers ko.

"Ang tsinelas ko."

Walang ano-ano'y yumuko siya sa harap ko at nilagay ang dalawa kong kamay sa balikat niya.

"Kapit ka." saad niya bago ako binuhat.

Mabilis kong niyakap ang kamay ko sa leeg niya at sala niyakapos ang binti sa kanyang baywang.

Namula ako mukha ko. Kaya ko namang maglakad, e. Hinahanap ko lang ang tsinelas dahil malamig ang sahig.

"Ibaba mo nalang ako mal." wika ko habang pababa kami ng hagdanan.

"Wag na kaya ko naman at ang gaan mo."

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon