CHAPTER 15

45.8K 1.4K 333
                                    

Chapter 15





Debie Pov

Napahawak ako sa balikat ni Aziel dahil sa biglaang halik niya. Kagaya noong una. Malambot, may matamis, at masarap ang halik niya. I can't compare his kiss to others kasi wala pa naman akong nahahalikang ibang tao o lalaki bukod sa kanya. Siya lang ang natatanging tao ang nakahaik sa akin. At masasabi kong magaling at matamis ang halik ng lalaki.

Pakiramdam ko kinukunan na ako sa abilidad na huminga sa biglaang halik ni Aziel. Pakiramdam ko nakalimutan ko kung papaano huminga dahil sa halik niya. Ang isa kong kamay ay kusang gumalaw ang kamay ko sa likod niya na parang may hinahanap doon.

Naramdaman ko ang paglagay ni Aziel sa kanyang tuhod sa pagitan ng hita ko at pinaglayo ang nga 'yon at hanggang sa umabot iyong tuhod niya sa kaselanan ko.

"Uhm, ahh!" Ungol ko.

Napaigik ako doon.  At dahil dun naipasok ni Aziel ang kanyang dila sa bibig ko. Parang may kung anong mahikang dala ang tuhod na Aziel na nagpukaw sa kakaibang pakiramdam sa kaloob-looban ko. Parang may ginising iyon sa loob ko.

Dios ko! Ano ba itong nararamdaman ko. Sambit ko sa kawalan.

Ang isa kong kamay na nakatungkod ay naigapos ko na rin sa leeg ni Aziel. At di naman talaga ako marunong humalik. Pero nasasabayan ko si Aziel sa mga halik niya sa pamamagitan ng paggagaya ko sa galaw ng mga labi at dila niya na nasa loob ng bibig ko na parang nagt-treasure hunt doon.

Iyong halik namin ni Aziel ay naglilikha ng kakaibang tunog. Iyong mababasa at mamalagkit na tunog na nakadagdag sa kakaibang nararamdaman ko. Nababaliw na ako. Ano ba ito?

"Uhhmm!"

Halos tumirik ang mata ko nang sipsipin ni Aziel ang dila ko na para bang isa iyong masarap na kendi at talagang nilulubos niya ang tamis na nandodoon.

Ilang saglit pa lang ay naramdaman ko na ang dahang-dahang paghiga ni Aziel sa katawan ko sa kama at siya naman ay pumwesto sa ibabaw ko.

Di magkamayaw sa kabog ang puso ko. May kaba. May takot. May excitement. May saya. At may pananabik.

Isang malalim at basang halik ang sinaluhan namin ni Aziel bago niya pinakawalan ang bibig ko.

Namula ang pisngi ko nang maramdaman ko ang pagtulo ng laway ko. Akmang pupunasan ko na sana iyon nang punasan iyon ni Aziel damit ang likod ng palad niya.

Nahihilo ako. Naduduling ako sa lapit ng mga mukha namin ni Aziel. Iyong kabog ng puso ko di ko makalma. Parang naiihi ako. Para akong natatae na ewan. Hindi ko rin alam kung kaninong puso ang malakas ang kabog. Nakikita ko ring malalalim ang hininga ni Aziel at namumula ang dibdib ni Aziel.

Iyong braso ko na nakayakap sa kanyang leeg ay parang ayaw nang kumawala doon.

"Aziel," gusto kong kutusin ang sarili dahil nag-iba na ang tunog ng boses ko. Para na iyong nang-aakit.

Tumaas-baba ang Adam's apple ng lalaki at pinagdikit niya ang noo namin.

Nagtatagpo ang ilong at mga hiningang pinapakawalan namin. Tiningnan ko ang mga mata niya. Di ko mawari ang sinisigaw n'on. Saka ewan ko ba. May aircon naman kami pero ang init ng pakiramdam ko ngayon. Tingin ko ganoon din si Aziel.

"Aziel." Muli ko na namang wika sa pangalan niya.

Dinilaan niya ang kanyang labi at huminga nang malalim.

"Deb." untag niya naman sa pangalan ko.

Napatingin ako sa mapupula at makintab niyang labi. I have this urge to kiss him again. And without thinking any further, I closed the tiny space between our lips. Saglit ko lang iyon ginawa at mababaw na halik lang.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon