CHAPTER 14

45.4K 1.6K 617
                                    

Chapter 14




Debie Pov

"T-totoo ba ito, Aziel? Hindi ba ito fake? Totoo talaga 'to?" Bulaslas ko kay Aziel habang nakatingin sa class schedule ko. Nakalagay doon sa upper right corner ng bondpaper na hawak ko ang pangalan ko, Debie T. Fabre at officially enrolled na ako sa isang culinary school.

Sa sobrang galak ko ay tinawid ko ang kama ni Aziel kung saan siya naka upo at niyakap ko siya. Pansalamantalang natulos ang lalaki sa kanyang kina-uupuang kama pero kalaunan ay gumati naman siya ng akap sa akin at hinagod ang likod ko.

"This is just a small thing, Deb." wika niya sa akin habang niyayakap ko pa siya.

Iniling ko ang ulo ko bilang pag di-sang-ayon sa kanyang pahayag. Kung sa kanya maliit na bagay ito. Sa akin sobra-sobra na. Matagal ko na itong pangarap. Matagal ko nang pangarap makapag-aral. Matagal ko nang gustong makapagpatuloy sa pag-aaral kaso... tutol kasi doon si Tita Mikee. Dagdag daw sa gastusin nila. Ang ipag-aaral daw nila sa akin ay ibibili na lang daw nila ng pagkain dahil may palamunin sila sa bahay nila. Di man iyon harapang nilathala sa akin ni Tita Mikee kaso alam kong ako ang tinutukoy niyang palamunin sa bahay nila.

At itong ginawa ni Aziel. Itong pagpapa-aral niya sa akin, di ko ito sasayangin. Di ko sasayangin ang oportunidad na makapag-aral ulit. Hindi ko naman alam kung papaano niya ako napa-enroll kahit na huli na ako sa pasukan pero hahabol ako sa klase.

"Napakalaking bagay na ito sa akin, Aziel." aniko at kumalas mula sa pagkakayakap sa lalaki.

Umupo ako sa tabi niya at napatitig muli sa papel na hawak-hawak ko. Sa pangalan palang ng paaralan alam ko nang mamahalin ito kaya magpupursige pa ako lalo. Di ko sasayangin ang pera ni Aziel.

Napangiti ako at hinimas ko ang pangalan ko doon. Makakapag-aral na ulit ako sa wakas!

"I really don't know why your father can't send you to a university, Deb. You're... I mean. Trazons are rich?" Parang natanong niya ang huling pangungusap.

Malungkot kong nginitian si Aziel at tinabi ko ang class sched ko. Tinungkod ko ang dalawang kamay ko sa edge ng kama ni Aziel at napatitig sa sahig ng kwarto namin na parang pupwede mong gawing salamin sa kintab.

Ayaw kong sabihin kay Aziel. Ayaw ko nang sabihin sa kanya ang mga naranasan ko sa bahay ni Papa Gideon kasi feeling ko parang... nagpapakaawa ako sa kanya. Which is di naman totoo. Ayaw kong kaawaan ako. Ayaw kong tingnan ako na parang kaawa-awa na talaga. Pagod na ako sa ganyan. Sawa na ako. Kaso... si Aziel kasi ito, e. Si Aziel ito. Ang taong... akala ko kaya kong i-undo ang pagiging fan ko sakanya at paghanga ko sa kanya pero wala, e. Gusto ko. Lalo na sa mga nagawa niya nitong mga nakaraang linggo.

Gustuhin ko mang maging kaibigan niya lang gaya ng gusto niya kaso di, e. Hulog na. Nahulog na.


Di ako komportableng sabihin sa iba ang mga hinanakit sa puso ko. Di ako komportableng magsabi ng mga pinagdaanan ko sa bahay ni Papa Gideon. Di ako komportableng ipagsabi ang mga problema ko sa ibang tao. Pero kay Aziel... iba. Iba kasi kusang bumibigay ang bibig ko at isip sa kanya.

Nasanay kasi ako. Nasanay akong mag-isa simula nang mabaliw ang Mama Sarah ko. Nasanay akong, ako lang ang bumubuhat sa sarili ko. Nasanay akong saliri ko lang ang makakapitan ko. Nasanay akong lumaban para kay Mama Sarah at para sa saliri ko nang mag-isa. Nasanay akong sarili ko lang ang karamay ko. Kaya ganito ako. Pero kapag nandyan si Aziel.. pakiramdam ko... may kakampi ako. Pakiramdam ko di ako nag-iisa. Pakiramdam ko may kasama na ako, may karamay na ako. Pakiramdam ko may kasabay na ako sa lahat ng bagay.

El Grande Series 1: Aziel-Rigg Fabre|✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon